Downfall 22

188 15 5
                                    

Downfall 22

Help

Tumango ako kahit na medyo nagtataka. Lalong lumaki ang ngiti sa kanyang labi. "Buti na lang!" Lumingon siya sa likod ko kung nasaan si Xia. "Pwede po bang makausap siya saglit?"

Pati ang pagsasalita niya ay parang pamiyar rin. Pamilyar ang kanyang mukha. Parang nakita ko na sa kung saan.

"Sige." ani Xia at nakita kong tumuloy siya sa daan patungong restroom.

Naglahad ng kamay ang babae. Hindi ko maikakaila na maganda siya. She looks westernized. Siguro galing ng ibang bansa ngunit bakit kilala ako? "I'm Charlotte..." Parang may bumbilya na umilaw sa aking isip. She's the sister of Charles! I knew it! Pamilyar nga! "Ayan, kilala mo na ko." Tumawa siya.

Nagulat ako. Oh, edi alien rin ito.

Ngumiwi siya. Nababasa niya ba ang iniisip ko? Panigurado! "Gusto ko lang itanong... Kung nasaan si Charles?" Luminga siya at parang umaasa na nasa paligid ang kanyang kapatid.

Umiling ako. "Hindi ko po alam."

Nalaglag ang kanyang panga. "Ha? Bakit?" Nagsalubong ang kilay niya at parang kabado na hindi ko alam. "Nasa misyon ba? I mean... Nagtatrabaho?"

Napilig ang ulo ko sa aking kanan. Mukhang iniingatan niya pa ang kanyang mga ibinabatong salita. Dapat bang sabihin kong alam ko? "Nasa misyon po." sagot ko, hindi iniisip ang pwede niyang isipin.

Mukhang nagulat siya sa aking sagot pero agad na binago ang ekspresyon. "Mukhang alam mo na..." Nanatili ang kanyang titig sa akin. "Ikaw ang tumutulong sa kanya, 'di ba?" Tumango ako. "Sana tulungan mo siya. Baka ikaw na ang susi. He'll die if he failed." Ngumiti siya ng malungkot.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at natauhan. Parang iyong sinabi lang ni Mommy kanina ngunit mas ispesipiko ngayon sa dapat kong gawin. Take the risk!

Ngunit anong mas makabubuti? Paano kung tuluyan siyang mahulog? Iyon na ang magiging dahilan ng pagkamatay niya!

"No..." Nagulat ako sa pagsasalita ng kapatid mo Charles. "He'll not die if he fell in love with a mortal." Napalunok ako. What? Nababasa niya nga pala ang aking isip! "It's only rule for a..." Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil sa pag-ilaw ng kanyang orasan sa palapulsuhan.

Nagpaalam siya pagkatapos noon. Hindi ko alam ang dapat kong maging reaksyon. Umurong lahat ng nararamdaman ko at pakiramdam ko ay natuyo ako. Wala... Wala akong masabi! Ang alam ko lang ngayon ay dapat hintayin ang pagbabalik ni Charles. I'm so sorry, Charles. Anong ginawa ko? Masyado akong nasanay sa mga bagay na gusto ko alam ko lahat ngunit sa mundong ito, kailangan maki-angkop. Walang mapapala kung papairalin ang sariling kagustuhan. Walang mangyayari kung uunahin ang emosyon sa bawat desisyon.

Lumabas si Xia mula sa restroom. Nilinga niya ang paligid at mukhang hinahanap ang kausap ko kanina. Kumunot ang noo niya. "O, tapos na kayo mag-usap?" Tumango ako. "Mag-CR ka pa ba?"

"Hmm! Oo." sagot ko at mabilis na pumasok sa loob ng restroom.

Maghapong gumulo sa isip ko ang nga sinabi ng kapatid ni Charles. Lutang ako habang pinapanood ang laro ng mga pinsan ko. Kahit ilang beses pa nila ako pagsabihan na magcheer para sa kanila ay parang wala akong magawa. Nanatili akong tahimik na nanonood. Kaya na iyan nag ilang may crush sa kanilang dalawa. Nandyan naman si Eunice para kay... Well, I should not conclude something. Issue lang 'yan.

"What the heck, Franz!" Tumawa si Suzette kasabay ng pagtunog ng hudyat na tapos na ang laro. "Ang galing, a!" dagdag niya.

Kumunot ang noo ko at nagtaka. "Ano ginawa?" tanong ko.

Fall of the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon