Downfall 5

311 17 1
                                    

Downfall 5

Bigay



Halos hindi ako nakatulog kagabi. Tuwing pipikit ako ay bubungad sa akin ang mapanuring mga mata ng lalaking nakita ko sa cafeteria. Masyadong bumagabag sa aking sistema ang matatalim at malalim niyang titig.

Sino ba iyong lalaking iyon?

Mabuti na lang kahit na tatlong oras ay hinayaan akong matulog ng isip ko. Naging mapayapa ang huling tatlong oras ko bago ang itinakdang oras na dapat na pagbangon ko.

Halos hindi ko gustong pumasok ngayong araw. Palagay ko ay matutulog lang din ako sa school.

Sumabay na ako kay Art papasok sa school. Napangiwi na lang ako nang hanggang sa backseat ng kotse ay kumakain si Art na nasa tabi ko. May hawak-hawak siyang chocolate drink at tinapay.

"Gusto mo, ate?" alok ni Art sa akin sabay lahad ng tinapay na kinakain niyang may palamang chocolate rin. Lagi sigurong hyper itong batang ito?

"No, thanks, Art." ngiti ko at tinignan ang dinadaanan sa bintana.

"Uwi ka kaagad mamaya, ate, a?" ani Art.

Nilingon ko siya at agad na nagtaka. "Bakit?" Pinunasan ko ang gilid ng labi niya na may chocolate gamit ang daliri ko. Kinuha ko ang towel na nasa tabi niya at ipinunas itong muli.

"May ibibigay ako, sa iyo." Ngumisi siya.

Tumango ako at ngumisi rin. Hindi ko maiwasang hindi maging excited dahil sa nasabi ni Art. Ano kaya ang ibibigay niya?

Muntik na akong malate sa unang subject ko. Mabuti na lang at medyo kasabay ko lang si Xia na dumating. Kung late man kami ay mabuti na lang dahil may kasama ako.

Kasama ko ang ilang pinsan ko nang naglunch. Ang kambal na si Tristine at Tristan, Suzette at Franz ang lagi kong nakasasabay dahil sila na lang din naman ang mga nag-aaral sa aming magpipinsang Dy. Ngunit wala si Suzette ngayon dahil hindi tugma sa schedule ng marami sa amin. Kasama ko rin si Xia dahil siya ang halos kasabay ko ang schedule. Si Kuya naman ay nagtetake ng masteral habang si ate Karylle ay sa ibang school.

Hindi ko mapigilang hindi lumingon sa paligid ng cafeteria. Kinakabahan ako sa tuwing maiisip kong andito ang lalaking bumagabag sa akin ng halos buong gabi.

"Eat your food, Katrice." ani Tristan sabay tingin sa pagkaing hindi ko pa nagagalaw.

Tumango at hinawakan ang kubyertos na pagmamay-ari ng canteen.

"Ayaw mo? Akin na lang." Humagalpak si Franz at akmang hihilahin ang pinggan ko.

"Shut up, Franz." Masungit na sabi ni Tristine habang nagtitipa sa kanyang cellphone.

Umirap si Franz. "You shut up."

Nagpapabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa at napalingon na naman sa paligid. I should stop pero parang tuwing gagalaw ako ay automatic na lilingunin ko ang paligid ko upang makita ang presensiya ng lalaking iyon.

"Ano bang hinahanap mo?" tanong ni Tristine at nilingon rin ang paligid.

Umiling ako. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagtigil sa pagkain ng katabi kong si Xia. Ngumisi ako sa kay Xia.

Kahit na sa loob ng room ay nililinga ko pa rin ang paligid ko. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at tinignan ang professor kong dinidiscuss ang lesson.

Ano kaya ang pangalan ng lalaking iyon? Bakit ganoon na lang siya tumingin? Bakit napakabigat sa pakiramdam at bigla akong nagiging kabado tuwing iniisip ang lalaking iyon? Is he a killer? Hindi kaya may nagawang masama si Mommy o Daddy at punterya kaming mga anak? Napasinghap ako. I need to tell this to Mom!

Fall of the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon