Downfall 29

237 16 3
                                    

Downfall 29

After A Year

"Anong gusto mong graduation gift?" tanong sa akin ni Daddy habang nasa living room ako at nagtitingin ng mga litrato sa nga photo album na nakakalat roon. Paniguradong ginalaw ito ni Art.

Ngumiti ako kay Daddy. "Hindi ko po alam..."

"Naku! Nagmature na talaga. Umaayaw na sa materyal?" Tumawa siya.

Tumawa rin ako. Yes, Dad. Dahil habang tumatanda ay ang mga bagay na nagiging gusto at kasiyahan mo ay may ibang hindi na mabibili ng kahit anong halaga pa ng salapi.

My graduation will be next week. Hindi ko maisip ma magiging ganoon kabilis ang panahon. Lumipas na ang isang taon.

"Congratulations, graduates!"

Napuno ng sigawan ang venue ng graduation. Puro nakaitim na toga ang bawat estudyante. Puno ng ngiti ang paligid. Ramdam na ramdam ko ang saya ng bawat isa. Ramdam ko kung paano masigla ang bawat estudyante sa ideyang tapos na nila ang kanilang kurso. Pati ang magulang na naririto ay naiiyak sa tuwa.

Because shit! Tapos na ako ng college!

Maingay ang mga kabatch mates ko. Hindi mapawi ang mga ngiti sa kanilang mga mukha.

Nang natapos ang program ay nagsilabas na para maihaigis ang aming mga cap. Magkakasama kaming magkakaibigan at magpipinsan sa labas. Kumuha ng maraming litrato magkakasama kami. Kasabay kong magtapos sila Franz, Suzette, ang kambal kong pinsan at ang tatlo kong kaibigan. Yes! Lahat kami ay tapos na!

Nagpalit ng casual wear pagkatapos ng programa. Balak kasing kumain ng sama-sama.

"O, ano? Saan tayo?" tanong ni Franz sa isang masayang tono. Nilingon namin siya. He matured. Hindi na siya tulad na dati na loko-loko. Siguro kung hindi siya nagbago ay may sasabihin agad siyang lugar at hindi magtatanong ng iba't ibang opinyon.

"Shakey's?" sagot ni Suzette sa tabi ni Franz.

Tumango ang bawat isa at nagpunta sa kani-kanilang sasakyan.

"Uy Kat..." tawag ni Althea nang papatalikod na ako.

Muli ko silang tinignan. Hindi natinag ang bawat isa kong kaibigan. Naroon sila at mukhang walang balak sumama.

"Hindi kami sasama." ani Xia.

Nagtaas akong kilay. "Bakit?"

"Ako kasama sila Mama." sagot ni Althea.

Tumango ako at tinapunan ng tingin ang iba pang kaibigan.

"Aaron..." Humalakhak si Xia. Napangiti ako. Good for them. They stay strong. Akala ko kahit mahiyain iyong si Aaron, hindi niya kakayanin ang walangyang si Xia pero nagpakitang gilas sa paghawak ng relasyon.

"Sasama ako!" Nagulat ako sa kay Eunice. "Andoon si Tristan." Tumawa siya.

Tumawa rin kaming tatlo. Last year, umamin siyang gusto niya si Tristan. Tama ang hula ko at tama ang nakita ko. The way she looks Tristan. Ngunit si Tristan, hindi umimik. Masakit pero... ayaw niya sa kay Eunice.

"Hindi, joke lang!" bawi ni Eunice. "Family rin."

Tumango ako. "Sige, sayang. Ingat kayo." sabi ko at kumaway.

"I'll miss you, girls." Nagkasabay-sabay pa kaya natawa kami. Naghiwa-hiwalay kami pagkatapos yakapin ang isa't isa. Hindi ko alam na magiging ganoon kabilis ang panahon.

Agad naman akong tumungo sa kotse ko para sundan ang mga pinsan kong walang paki sa akin at hindi man lang ako hinintay.

Ako na rin ang nagdadrive para sa sarili ko. Mom let me drive my own car kahit ayaw ni Daddy. Pero walang magagawa si Daddy roon dahil gusto iyon ni Mommy.

Fall of the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon