Downfall 21

195 12 2
                                    

Downfall 21

Little steps

Gusto kong huwag ng pumunta sa Intramurals at manatili na lang sa bahay. Tamad na tamad ang kilos ko habang kumakain at naghahanda patungong eskuwelahan.

Mabagal kong sinubo ang cereals. Bakit kaya gustong-gusto ito ni Art? Paborito niya pa. Gatas lang naman ito at...

"Margarette?" iniluwa ng pinto si Mommy. Nakangiti siya at nakaayos na. Alas nuebe pa ako papasok kaya naman naabutan pa ang isa't isa.

Umupo siya sa upuang nasa harap ko at naghanda rin ng kanyang cereals.

"Para sa iyo yata iyong rose sa mesa ng living room?" Nagtaas siya ng kilay.

Nanlaki ang mga mata ko. Meron? Mabilis akong tumayo at nagmartsa patungong living room. Nakita ko ang isang stem ng rose roon at may maliit na card. Nanginginig ang aking kamay habang hawak ang maliit na card.

May kung ano ang pumitik sa aking puso ng mabasa ang nakasulat.

"Take care. :)"

Sa simpleng dalawang salita ay natunaw ang puso ko. Alam ko na agad kung sino dahil hindi naman maghaharumentado ang puso ko kung hindi ako atraktado. Agad kong kinuha ang cellphone ko para magtipa ng mensahe ngunit hindi naituloy.

Inamoy ko ang bulaklak at bumalik sa dining area. Naroon si Mommy at tahimik na kumakain. Nilingon niya ako sumulyap sa isang stem ng rose na hawak ko.

"Laki ng ngiti, a." Tumawa siya.

Umupo akong muli sa kaninang puwesto ko. Nilapag ko muna ang bulaklak sa mesa. Hindi mapawi ang ngiti ko. I want to see him right now. Hindi ko na kaya.

"Ipapakilala mo ba sa amin?" tanong ni Mommy, matamang nakatingin.

Nawala ang mga salita sa dila ko. Ipapakilala... "'Pag maayos na."

Tumango siya. "May away?"

Nagkibit balikat ako. "Naglihim... Parang hindi ako katiwa-tiwala." Nag-iwas ako ng tingin. Bumabalik sa isip ko ang nangyari. Hindi ko talaga alam ang tumatakbo sa isip ko kung bakit ako lumalayo. Magulo. Pati ang sarili ko ay hindi ko maintindihan. Tanging sinunod ko lang ang puso kong parang nawasak at nagkapira-piraso. Ang naging desisyon ay hindi lang para sa sarili. Inuna ko ang kapakanan ni Charles! Knowing na...

"May dahilan iyon. Pinakinggan mo na ba?" saad ni Mommy.

Nanlamig ako. "Hindi pa..." Lumiit ang aking boses.

"Then take the risk," mabilis na wika ni Mommy.

Isang napakalaking salita ng risk para sa akin. Isa iyong sakripisiyo na hindi alam ang kahihinatnan. Ang risk ay parang pagtalon sa bangin at hindi mo alam kung may tubig sa ibaba na sasalo sa iyo o wala. Kung meron mang tubig, baka pansamantala lang ang pagpawi ng sakit. Baka mababaw lang ang tubig at tatama ka rin sa matigas na lupa.

May pumasok sa dining area. "May tao po... Hinahanap si Sir Antoine." Si Manang Rose.

Kumunot ang noo ni Mommy. "Sino?"

Lumabas ako kasama ni Mommy. Naabutan namin ang isang lalaking mukhang nasa mid 40's. Nakasuit ito at may kamukha... Hindi ko maisip kung sino.

Tumayo ang lalaki nang makita kami. "Good morning Mrs. Dy..." bati nito.

Bumati pabalik si Mommy. Ngumiti lamang ako.

"Can I talk to Mr. Antoine Dy?" pormal na tanong ng kausap. "I am Romeo Avedra from Ave Company." Avedra... Bumilis ang tibok ng puso ko.

Tumango-tango si Mommy bago sumulyap sa akin. "Call your Dad, Katrice. Nasa itaas pa 'yon." utos iyon ni Mommy.

Gusto kong huwag sundin. Gusto kong magtanong sa kadarating. Dahil hindi lang siya Avedra... He looks like Charles. A lot.

Pagkarating ko sa eskuwelahan ay maingay na ang paligid. Malakas ang pagtugtog ng musika sa quadrangle at marami ng tao ang nagkalat. Nagpapasalamat ako dahil natapos ko ang ilang requirements bago ang Intramurals. Malaya na akong magsasaya at wala ng aalalahanin pa.

Nagkita-kita kami ng mga kaibigan ko sa Pyramid, tambayan ng maraming estudyante.

"Friend! May mga outsider na pogi!" ani Althea at nagtatalon pa.

Nanlaki ang mga mata ko. Outsider? "Talaga? Saan?" tanong ko at nilingon ang paligid ng tao.

"Interesado ka? Wow!" tawa ni Eunice at pinasadahan ng mga daliri ang kanyang buhok. "Maging loyal ka naman kay Charles kahit wala."

"Nagtanong lang ako." sagot ko. Parang bawal maging interesado, a? Teka, hindi ako interesado! Ayos na ako. May naalala lang ako. Parang noon, ako ang nakakita sa kanya na outsider. Hmm, ilang buwan na rin ang nakalipas.

Kung saan-saan lang kami nagtutungo ng mga kaibigan ko. Walang direksyon. Kung saan lumiko ang isa, susunod lang kami. Mamaya pa ang ilang game na magkalaban ang aming department. Engineering ang kay Althea habang si Eunice naman ay sa Architecture. I do not know kung ano ang pumasok sa isip ni Eunice at iyon ang kinuha niya. Ayaw niyang nagdodrawing nung elementary.

Tumunog ang cellphone ko habang nakapila kami sa isang booth ng pagkain. Hanggang dito lang naman kami, e. Lumalayo si Xia sa kanyang boyfriend na si Aaron. Ayaw niya raw pumunta sa kahit anong booth kasama iyon dahil may pinag-awayan sila kagabi. Sabi na e, wala talagang forever.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang pangalan ni Charles sa aking lockscreen. Inislide ko ang kanyang message at binuksan iyon.

Charles:

I'm here at Haria, Vabiz! Sent via MapApp. Download it here: t.co/aYvshakiP

Nasaan siya? Nasa Vabiz? Ang layo non, a! At gumamit pa ng application, a? Ano ang plano niya at sinabi niya pa sa akin?

Charles:

Sorry, wrong send.

Oh. Wrong send, huh? Bakit, kanino ba dapat niya isesend? Kay ate Nicolette?

Hindi ako sumagot. Gusto kong magreply pero hindi ko ginawa. Nahihiya ako. Walang mararating ang pagiging mahiyain pero ganoon, e. I'll wait.

Pagkatapos ng lunch nag-umpisa ang game ng basketball. Unang naglaban ang field ng Engineering at Business Ads. Sumisigaw ako para sa Business habang si Althea para sa mga players ng kanila.

"'Wag maaakit kay Fafa Drexel!" Tinulak ako ng bahagya ng isa kong baklang kaklase na malapit sa akin. "Akin na siya, ati."

Tumango ako. "Edi sa'yo." tawa ko.

Hinanap ng mata ko si Drexel. Naroon nga siya at naglalaro. Parang hindi ko narinig ang pagtawag sa kanya, a? Isang malaking banner na cartolina ang nahagip ng mata ko na nakasulat ang malaking pangalan ni Drexel. Sus.

Tumabi rin sa akin ang ilang pinsan ko. Wala si Franz at Tristan. Mga players ng Architecture.

"Uy, bakit 18 nasa jersey ni Tristan? It's not his birthday or something." tanong ni Suzette, sinisiko si Tristine.

"'Di ko alam. Baka 'yong boys alam." sagot ni Tristine, nakatingin sa mga naglalaro sa ibaba.

Napansin ko ang pakikinig ni Eunice. Tumingin ako sa kanya. Naalala ko bigla kung paano siya abutan ni Tristan ng tubig at namula ang kanyang pisngi. Seriously!?

Lumakas ang sigawan kaya binalik ko ang tingin sa mga naglalaro. Nakita ko roon na mukhang nag-aaway ang mga players. Mga namersonal na naman. Mabuti na lang at wala pa ang mga pinsan ko kundi mambabasag iyong si Franz.

"May sugat si Fafa Drex!" Kinalabit na naman ako ng kaklase kong bading. Napangiwi ako. Akala ko ba iyo? "Baka ikaw ang gamot, ati." Ngumiti siya ng mapanukso.

Tumawa ako at umiling. Wala. Kahit ano pa 'yan. I will be very good.

"Restroom?" Tumayo si Xia at tumingin sa akin. Tumango at inayos ang bag ko. Nagtanong rin ako sa ilang kasama namin ngunit sa huli, kami lang dalawa.

May ilan pang players ng volleyball ang nakasalubong pagkalabas ng cafeteria. Mukhang katatapos lang at mga nagsasaya. Paliko na kami ng papuntang restroom ng may kumalabit sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko. It felt familiar. Parang inulit.

Lumingon ako at nakita ang isang babaeng sopistikada. Nakangiti siya sa akin. Ang suot niyang damit ay iyong mga usong cropped top na pinartneran ng leggings at boots. "Hi! Ikaw ba si Katrice?"

Fall of the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon