Downfall 11

277 15 1
                                    

Downfall 11

Mystery


Halos mahuli ako sa unang klase ko nang bumalik ang pasukan ng January. Mabuti na lang at umabot ako. Magkasunod lang kami halos ng professor ko doon.

Mabuti na lang at masaya ang professor namin doon. Kung hindi, baka mahuli na naman akong natutulog o nakatulala. I don't want to happen that again. Baka ipatawag na ako dahil sa record kong ganoon.

"Goodbye, class."

Parang isang musika sa aking tainga ang narinig. Mabilis na nag-unahan ang mga estudyante sa loob ng classroom. Ang mga armchairs ay nagulo sa ayos at bumungad ang ilang mga kalat na papel sa konkretong sahig.

Habang kami ni Xia ay naghintay na humupa ang pagkakagulo dahil sa pag-uunahan. Nang bumagsak ang pintong babasagin ay doon na kami umalis ni Xia.

"Saan next subject mo?" tanong niya nang makalabas kami.

"JPR Building." mabilis kong sagot at hinugot ang cellphone ko sa bulsa nang naramdamang nagvibrate ito.

Bumungad ang pangalan ni Charles sa aking lockscreen. Umangat ang gilid ng aking labi.

"Sa TAO Building ako." aniya sabay layo sa akin ng bahagya dahil sa kabilang direksyon ang punta niya.

Nag-angat ako ng tingin. Nakataas ang kanyang kilay at sumulyap sa aking cellphone na tila nagtataka sa ginawa kong pag ngiti. "O sige. Doon na ako." itinuro kong pasimple ang tatahakin kong daan.

"Kita na lang mamaya. Ano oras ba uwi mo? Sabay tayo?" tanong niya at tumingin sa kanyang wrist watch.

"'Di ko alam. Basta mamaya." Ngumiti ako at tumalikod. Mabilis akong naglakad dahil malapit na ang susunod na subject.

Binuksan ko ang message na natanggap. Nakatatanggap ako madalas ng message mula kay Charles, lately. Hindi related sa kanyang hinahanap na lugar ang mga tanong.

Charles:

4 tapos mo sa school? I'll fetch you. Kararating ko lang sa province nyo galing sa Manila. Punta ka na lang parking lot.

Ako:

Ha? Aano? Sige.

Hindi ako mapakali ng mga susunod na oras. Kaunti lang rin ang nakain ko ng naglunch. Mabuti na lang at hindi ko nakasabay ang aking mga pinsan. Walang nagbato ng kung anu-anong tanong laban sa hindi ko pagkain ng maayos.

"Ayos ka lang?" tanong ni Xia sabay lingon sa akin. Kuminang ang kanyang hikaw ng matamaan ng ilaw sa cafeteria. "Nadumihan 'yang uniform mo. Natuluan ng sauce." Tinuro niya ang aking blouse.

Tinignan ko ang suot kong uniporme. Ang kulay puting long sleeves na blouse ay may mantsang hindi naman gannoon kalaki sa may bandang dibdib. Tinignan ko rin ang paldang kulay navy blue. Malinis iyon at walang bahid ng sauce.

"Napapano ka?" tanong ni Eunice na isang himala dahil nakasabay ngayong lunch.

"Hindi ka mapakali. Excited ka ba?" tawa ni Althea.

Mabilis akong umiling at nagdepensa. "Hindi, a!"

Tumawa lang sila at tinapos ang pagkain.

"Hindi nga pala ako sasabay pauwi..." paalam ko sa mga kaibigan ko.

Si Xia ang unang nag-angat ng tingin mula sa pagkain. "Ha? Bakit?"

"Susubok pa naman tayo mamaya sa bagong bukas na fastfood!" umirap si Eunice at umiling.

"Nako, a!" Mahinang humampas si Althea sa mesa. "May jowa ka, 'no!" Tumawa siya.

Ngumiwi lang ako sa kanya at hindi sumagot.

Fall of the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon