Fallen

1.2K 49 13
                                    

Tanghali akong nagising kinabukasan kahit na agad akong nakatulog, hinihiling na sana ay panaginip lang ang lahat ng nangyari kagabi.


Hindi pa sumisikat ang araw nang magising ako. Nilibot ng tingin ko ang kwartong tinutuluyan namin. Tinapunan ko ng tingin ang bawat babae kong pinsang mahimbing pa ang tulog. Siguro ay napuyat sa inuman nila kagabi.


Sa tatlong oras na paghihintay ko na magising ang lahat ng pinsan ko ay nakaligo na ako. Nakapagbukas na rin ako ng ilang accounts ko upang makita ang mga bumati sa aking kaarawan.


"O, Katrice, nasaan si Charles?" tanong ni ate Karylle sa akin habang hinihiwa ang sausage na nasa kanyang plato. "Tulog pa?"


Nagkibit balikat ako at tinignan ang mga lalaki na kasama nito sa kwarto.


"Yes, ate. Mahimbing na mahimbing pa." Halakhak ni Franz na kinakalikot ang kanyang cellphone.


"Bakit naman hindi mo alam, Katrice? Ikaw siguro ang kapuyatan noon tapos deny ka ngayon." Halakhak ni Tristan na nakaupo sa dulong upuan ng mahabng mesa ng restaurant na aming kinakainan.


"Hindi, a!" singit ni Nicolette. "Maaga iyan natulog."


"O, bakit ka galit?" bara ni Jash sa kaharap na si Nicolette kaya naman nabato ito ng tissue.


Pagbalik sa hotel ay maingay ang mga pinsan ko. Nang mamataan kong makakasalubong si Charles ay agad akong humiwalay sa kanila upang pumunta sa restroom. Napabuntong hininga ako. I can't stay away from him forever pero kahit ngayon lang please.


Sinusulit ko ang maputing buhangin at bughaw na tubig sa aming lokasyon ngayon. Sobrang nakakarelax tignan at sa pakiramdam. Tahimik kong binabagtas ang dalampasigan na iyon. It's good to be alone.


Tumugil ako sa aking paglalakad at naupo, pinapanood ang magandang paglubog ng araw. Ang dilaw at pulang kulay ay naghahalo sa kalangitan. Ang bilog na hugis ng araw ay kitang-kita mula sa aking pwesto.


Agad kong kinuha ang cellphone ko upang kunan ito ng litrato ngunit bumungad sa aking locksreen ang picture naming dalawa. Napapikit ako at napailing.


"Ate, hinahanap ka nila Kuya. Nasa restaurant sila na kinainan natin kaninang umaga." ani Zette sa aking likod.


Hindi ko siya hinarap ngunit tumango ako. Ang mga mata ako ay may nangingilid na tubig while memories started flashing in my mind.


"Ate..." ulit ni Zette sa akin.


"Yes... Susunod na ko." sagot ko sa wakas, pinipilit na maging buo ang aking boses.


Makaraan ang ilang minuto ay tinahak ko na ang papunta sa restaurant na sinabi ni Zette. Halos apat na oras rin pala akong nawala.


Hinanap ng mga mata ko ang mga pinsan ko sa restaurant ngunit pares ng mga mata niya ang nakita ko. Hindi ako nag-iwas ng tingin ngunit siya ang unang gumawa noon. Kasama niya ang mga pinsan ko kaya naman tumuloy ako doon. Sa tabi ni Charles ang naging bakanteng upuan. Pinaghatak ako ni Charles ng upuan at hininatay akong makaupo doon bago siya umupo sa tabi ko. Dumaloy agad sa aking katawan ang matinding kaba. Napalunok ako. Alright, kaya ko ito.

Fall of the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon