Downfall 10

258 14 0
                                    

Downfall 10

Holidays

"Merry Christmas, ate!" bati sa akin ni Art sabay bigay ng kanyang regalo. Nakabox ito at halatang nabili niya 'yong gift wrapper sa bookstore. Nakita ko rin 'yan, e.

Ngumisi ako at tinanggap ang regalo niya. "Thank you. Did you see my gift?"

Mabilis siyang tumango. "Yes and it's so wonderful!" Tinaas niya pareho ang kamay niya at tumawa. Pagkatapos ay tumakbo na siya palayo sa akin para puntahan ang iba pang regalong nandoon sa ilalim ng Christmas tree.

"Merry Christmas, Katrice." Nakasalubong ko si Kuya at nilahad niya ang regalo niyang nakapaper bag na kulay puti at nakalagay ang initials ng store sa gitna. Wow, ano kaya kailangan nito?

Tinanggap ko 'yon at hinawi ang mga buhok na tumatakip sa mukha ko. "Nakuha mo bigay ko?" Nagtaas akong kilay.

Umiling siya. "Tignan ko later." Pinasadahan niya ng tingin ang puting sleeveless dress na suot ko. "Ibaba mo nga 'yang dress mo. Masyadong maikli." Umirap siya at lumakad palayo.

"Sige, tignan mo later. You're so shy pa na kunin." asar ko at humalakhak, hindi pinansin ang kanyang kumento tungkol sa aking suot. Hindi ko nga pinansin ang puting poli shirt niya na maliit sa kanya, e!

Dumiretso ako sa kwarto para ilapag ang mga regalong natanggap ko mula sa iba't ibang tao. Hindi kami gano'n karami ngayon dahil mukhang nasa bakasyon rin ang mga iba kong pinsan. Siguro baka bukas ay may mga dumalaw na o kaya sa New Year's Eve magsama-sama.

Nahagip ng tingin ko ang cellphone kong nasa kama. Nilapitan ko 'yon at tinignan. May ilang notification mula sa kaibigan at mga pinsan ko sa group chat at nakita kong binati ako. Una kong binuksan ang sa mga kaibigan ko para batiin rin sila. Pagkatapos ay 'yong mga pinsan ko. Si Suzette pa ang unang bumati doon at nagkagulo na sila pagkatapos. Iba-iba ang naging pagbati nila. Si Franz ang huli na bumati at halos walang pumapansin sa kanya.

Franz:

Maligayang Pasko! Cheers!

Jash:

Manahimik ka. Puro ka alcohol.

Napirmi saglit ang mata ko sa pangalan ni Kuya Jash. Nasan kaya ang lokong ito? Hindi na umuwi!

Franz:

Jash! Regalo ko?

Franz:

Mga friends, regalo ko?

Franz:

Okay na nga. Buti napanseen.

Napairap ako sa kalokohang pumasok sa isip niya. Matagal na 'yon at bakit ginamit o sinabi niya pa. Bumati rin ako at nilapag muli ang cellphone ko. Lalabas na sana ako ngunit bigla itong tumunog. Bumalik ako para tignan 'yon muli at naisipang bumaba na ako nang dala ang cellphone.

Nakakita ako ng message ni Charles doon. Nasan kaya ito ngayon at sinong kasama? Naglakas loob akong sabihan siya na pumuntang bahay para may makain naman siya sa Pasko pero tumanggi siya. Sa pagkakaalam ko, hindi siya uuwi sa kanila ngayong Pasko dahil wala rin namandaw siyang makakasama. Ewan.

Lumabas ako ng kwarto para bumalik sa pagtitipon. Binuksan ko ang message habang pababa ako ng hagdan.

Charles:

Merry Christmas, Katrice! What's your gift for me?

Kahit na hindi ko nakikita ang mukha niya ay halatang humahalakhak siya habang sinasabi 'yon.

Ako:

Merry Christmas!

Nagtanong pa ulit siya kung ano ang ginagawa ko at kung ano ang regalo ko para sa kanya. Nagsend ako ng isang blank message at natawa sa sarili ko.

Fall of the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon