Downfall 23

186 14 2
                                    

Downfall 23

Risk

"Uy, ayos ka lang?" Siniko ako ni Eunice.

Nilingon ko siya at mabilis na tumango. "Yes..."

Kumunot ang noo ni Althea at umiling. "May problema kayo ni Charles, 'no?"

Siya naman ang tinapunan ko ng tingin. Hindi ko masagot. Sino ang may problema? Ako? Dahil lumayo ako o si Charles na magiging kumplikado kung patuloy na makakasama ako?

"Katrice!"

Biglang dumating ang mga pinsan ko na mga tumatakbo. Oh! Huhulihin sila?

Tumatawang tumabi sa akin si Suzette habang si Tristine naman ay pinapakalma ng kanyang kapatid na si Tristan. Nagtaas ako ng kilay at nilingon si Eunice. Ngayon ay nagtitipa na siya ng kung ano sa kanyang cellphone. Gusto kong tumawa sa ginagawa ko. Masyado akong nagbibigay malisya.

"Ipinagpair sa Marriage Booth si Franz at Cris!" balita sa akin ni Suzette at humagalpak ulit.

"Sinong Cris?" tanong ko.

Hinatak na nila ako pabalik sa mga nakahalerang booth. Bakit kailangan pa kami roon? I don't care about Franz kung ikakasal man siya sa booth ngayon. Baka iyon na ang magpapatino sa kanya.

Inabutan namin ang nakasimangot na si Franz sa Marriage Booth. Picture taking na lang at halos makita ko ang bagang ng babae sa laki ng ngiti sa kanyang labi. Napangiwi ako. Hindi pala babae.

"Bakit kayo pumayag!?" Halakhak ko.

Hindi ko mapigilan ang tawa ko sa mukha ni Franz na walang emosyon. Nang natapos ang pagkuha ng litrato ay mabilis siyang nagmartsa palabas ng booth. Napawi ang mga ngiti naming magkakasama.

"Franz!" habol ni Suzette.

Tinignan ko si Tristine na umiling na lang. Nagkibit balikat na lang rin si Tristan at umalis roon. Sumunod sa kanya si Tristine paalis.

Kaming tatlong magkakaibigan ay pumuntang cafeteria upang kumain. Ilang klase ng pagkain ang binili nila bago umupo sa puwestong laging inuupuan.

"Ano ba 'yan ang kalat naman dito." ani Eunice sabay pagpag sa aming mesa.

Umupo ako sa kabilang side ng mesa habang inaalis nila ang mga kung anu-anong naiwang mga tissue.

"Puro tissue! First time yata makagamit, e." dagdag ni Althea sabay bato sa direksyon ko ng tissue, walang paki sa nakaupong ako.

Nakailag ako sa unang batong tissue ngunit sa ikalawa ay tumama na iyon sa mga mata ko. Lumipad ang palad ko at ipinikit ang aking mata. Mahapdi iyon at agad na dumalo ang dalawang kaibigan ko.

"Nasaan? Tingin kami." boses iyon ni Eunice at tingin ko siya ang humawak sa aking mukha.

Pilit ko mang buksan ang mga mata ko ay hindi ko magawa. Nanatiling dilim ang aking nakikita.

"Ako nga." Napalitan ng isa pang kamay ang nakahawak sa aking balikat. "Sorry, Kat." ani Althea.

Ilang segundo pa ay nawala na ang pakiramdam na may buhangin ang aking kanang mata. Malabo pa nang una ang paningin ko ngunit agad ring luminaw.

"O, Drex! Hi!"

Iminulat ko ng mabuti ang aking mata. Bumungad sa akin si Drexel na nakaputing polo shirt at faded pants.

Nagtaas ako ng kilay nang naabutan ang tingin niya sa akin. "O?"

Akala ko ay titigil na siya ngunit hindi pa rin pala. Maingay ang mga kaibigan niya sa kabilang mesa at mukhang nagkakatuwaan. May naiisip ako ngunit ayokong ipagpatuloy ang hula.

"Hi," Ginulo niya ang kanyang buhok. "Dare lang 'to doon sa booth." aniya.

Nagsalubong ang kilay ko at agad na nangapa ng pera sa aking bulsa. "Magbabayad ako. Magkano?" Kinuha ko ang bag ko sa aking tabi.

Namutla si Drexel. "Ha?" Nilingon niya ang kanyang nga kaibigan. Napairap ako. Binalik ang tingin niya sa akin. "Ako na magbabayad."

Gusto kong umismid at tanungin siya kung bakit hindi niya iyon naisipang gawin agad at parang hinintay pa akong umayaw? Talagang matigas siya, a?

"Ayon naman pala." Tumawa ako. "Saang booth ba 'yan?"

"Sa ano..." Kinamot niya ang kanyang pisngi. "Basta, 'yong bago." aniya at umatras. "Sige."

Tumango ako at ibinalik ang tingin sa aking mga kaibigan. Sinusundan ng tingin ang paalis na si Drexel at papunta sa kaniyang mga kaibigan.

"Kakaiba talaga 'yon." Iling ni Althea.

"Tss! May dinedate 'yon ngayon!" ani Eunice at ngumiwi.

Nagulat ako. "Talaga? Sino?"

Nagkibit balikat si Eunice. "Basta. Sa Architecture din. Tago sila."

Habang kumakain kami ay may humawak sa aking braso. Nang una ay akala ko isa sa mga pinsan kong atat na namang magkuwento ng chismis ngunit nang maramdaman ko ang pagtindig ng balahibo ko ay agad ko ng nalaman.

Tumingala ako at bumungad sa akin ang masamang aura ni Charles. Hiniling kong sana hindi ito panaginip. Dahil ang mukhang iyan ay parang nakita ko na noon. I want everything to be alright.

"Come." Matigas niyang sabi at hinatak ako.

Halos matapilok ako sa kanyang paghila. Sumasakit na rin ang aking braso dahil sa higpit ng kanyang hawak. Alam kong sinabi na higpitan ang hawak sa isang tao upang hindi makawala ngunit huwag naman literal! At minsan kapag masyadong mahigpit ang hawak mo, mas lalong magpupursiging kumawala.

"Charles! Hey!" tawag ko.

Binitiwan niya ng marahas ang aking braso. What the hell is his problem! Siya na nga ang hindi nagpaparamdam ng madalas pagkatapos ng isang linggo tapos siya pa ang aasta ng ganito?

"Ilang araw lang ako nawala..." panimula niya. "May kasama ka ng lalaki? 'Yon ba? 'Yon rin 'yong nakakasama mo sa lumipas na araw?"

Nagsalubong ang kilay ko ngunit pinili kong kumalma. Walang magagawa kung sisigaw rin ako at makikipagtalo upang ipagpilitang wala akong kasamang iba. Walang maidudulot iyon na maganda dahil mas lalo lang tataas ang kanyang emosyon kung gagatungan ko pa.

"Wala akong kasamang iba..." sagot ko at tinignan siya ng mabuti. Parang may hanging dumaan sa aking puso at bumigat ito habang nakikita ang nilalang na nasa harap ko.

"E ano pala?" Nagtaas siya ng kilay. Ang sinag ng mataas na araw ay tumama sa kanyang perpektong mukha.

Nagbuga ako ng isang malalim na hininga. Talaga, Charles? Ganoon ang iniisip mo sa akin? Ganoon ang tingin mo sa akin? "Wala."

Ginulo niya ang kanyang buhok. "Ayoko nakikitang ganon!" Kumislap ang mga mata niya. "Binigyan kita ng space para humupa ang galit mo sa akin. Binigyan kita ng space para makapag-isip at hindi para..."

Bumilis ang pintig ng puso ko. Ang makita siyang ganon ay lalong nagpapabigat sa damdamin ko. He's been away for a long time. Ilang araw ngunit mahaba na iyon para sa pusong nangungulila. "I've been very very good. Kahit wala ka." sagot ko. "At hindi ako galit sa iyo. No'ng una siguro. Pero nang naisip ko, I don't want you to die." Pumiyok ako. Hold your emotions, Katrice! Please! "Lalayo na lang siguro ako. 'Yon ang sabi ko kasi baka sa gano'n, hindi ka mamatay tapos nalaman kong hindi pala..." Hindi ko maituloy ang sasabihin. Parang mabilis na dumaan ang bawat sinabi ng kanyang kapatid.

Kumalma ang kanyang ekspresyon. "I just... missed you." ani Charles at hinatak ako patungo sa kanyang dibdib.

Uminit ang gilid ng mata ko. Ang maasidong tubig sa aking mata ay nagbabadyang mahulog. I missed him, too! A lot. His touch, his presence, everything about him.

"I'm sorry." bulong niya. "I'm very sorry. Pero please, 'wag kang lumayo."

Nagulat ako sa kanyang sinabi. "I'll help." Humigpit ang kanyang hawak sa akin. Mahina na ang aking boses. Nag-aalangan sa aking sasabihin.

Nilayo niya ako sa kanya at hinawakan niya ang kanyang balikat. "'You'll stay."

Tumango ako. "Yes, I'll stay." I'll risk. Kahit sa huli nito ay iiwan mo ako at masasaktan ako. It's for you, Charles.

Nalikha ang isang nakakagaang ngiti sa kanyang labi.

Fall of the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon