Downfall 24

198 14 1
                                    

Downfall 24

Our Mission

Parang bumilis ulit ang araw pagkatapos ng mga nangyari. Magaan ang bawat galaw sa pagdaloy ng oras. Mas nakahinga ng naluwag lalo na at malapit ng matapos ang araw ng klase. Kukuhanin na lang ang grades.

"Ano kaya ang grades ko?" tanong ni Suzette at sumimsim sa kanyang drinks.

Narito kami sa isang fastfood bago pumuntang school. Magkakasama kaming magpipinsan at wala ang mga kaibigan ko dahil nakuha na ang grades kahapon.

"Err... Nakakaba!" Tumawa si Tristine. "Pakiramdam ko bumaba ako sa minor."

Kaming tatlo lang ang magkakasama. Ani Franz ay may pupuntahan raw sila ni Tristan na sobrang pribado. Malaki ang tyansang tungkol iyon sa babae. They're like that since we were high school! Sasabihin nilang may pribadong lakad sila at ano? Makikita namin sila sa school garden, may kasamang babae sa likod ng mga puno.

"Ikaw? Bababa grades mo?" gulat na tanong ni Suzette na may kasamang turo kay Tristine. "'Yon na yata ang pinakaimposibleng bagay sa mundo!"

Tumawa ako at sumingit sa usapan nila. "Masipag, e."

"Huy, 'di, a." aniya at kumagat sa burger na kanyang ni-order.

Pumunta kaming school pagkatapos kumain ng umagahan sa isang fast food chain. Abot abot ang kabang nararamdaman ko habang nakapila at hawak ang ID para kunin ang grades.

Nang i-abot sa akin ang aking grades ay hindi ko ito halos matignan. Parang isang nakakatakot ito na bagay na maaaring magpasabog ng nararamdaman ko kung bagsak ako.

Narinig ko ang tili ni Suzette sa aking likod. Nagmura pa siya at inulit ang mga katagang pasado siya. "Ikaw, Kat?" tanong nila sabay kuha ng papel na nakasulat ang aking grades.

Umiling ako. "Teka..." sabay bawi ng aking grades na halos malukot na.

Sabay na tumawa ang dalawa kong pinsan. "Dali na!" pilit ni Suzette. Palibhasa ay nakahinga na siya ng maluwag kaya ganyang ang kanyang inaasta.

Unti-unti kong hinarap sa aking papel. Halos manlaki ang mata ko nang makitang pasado ito lahat at walang C! Damn!

"Sabi sa'yo, e..." ani Tristine. "Inspired ka kasi."

Ngakita kami ni Charles pagkatapos kunin ang grades. Hinintay ko siya sa parking area habang ang dalawa kong pinsan ay magkasamang umuwi dahil parehong nagustuhang manood ng isang pelikulang kalalabas ngunit maaari ng makuha mula sa internet.

Sa isang coffee shop kami napadpad. Puno ito ng kulay light brown na kulay at maganda at klasikal ang nga disenyo. Nililingon ko ang bawat nakakaengganyong disenyo na nakasabit sa dingding ng shop.

Dumiretso kami sa counter. Nilabas agad ni Charles ang kanyang wallet mula sa likod na bulsa ng itim na pantalon. Tinapunan niya ako ng tingin. "Find our seat." Ngumiti siya. "Ano bang gusto mo?"

Hindi ako nag-abalang mag-isip dahil hindi maman ako ganoon kagutom. "Kahit ano." sagot ko at tumalikod na para humanap ng puwesto.

Dumating si Charles makaraan ang ilang minuto pagkatapos kong humanap ng mauupuan. Dala-dala niya ang numerong magpapakilala kung ano ang order namin.

Umupo siya sa tabi ko at lalong lumubog ang sofa sa kanyang pag-upo. "Bigat mo." Halakhak ko.

Tumawa rin siya at tumingin sa akin.

Nailang ako kaya nilibot kong muli ang tingin sa buong lokasyon. Kalmado ang musikang tumutugtog at pati ang ambiance ay kalmado rin. Siguro ay dito mabuting isagawa ang ilang meetings kasama ang kliyente.

Fall of the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon