Downfall 9

285 12 0
                                    

Downfall 9

Help


Mahirap magtiwala sa isang taong minsan mo lang nakita. Sa isang taong bigla-biglang susulpot sa kung saan. Sa isang tao na bigla-bigla na lang lalapit sa iyo at makikipagkaibigan. Hindi kaya budol-budol sila? Papaasahin ka at sasaktan? Iiwanan pagkatapos kunin sa'yo lahat?

"Bago kasi ako dito at kailangan ko ng tulong para..." Tumigil siya sa pagsasalita at nagtaas ako ng kilay. "Para sa project ko." Tumango siya. "Tama, project."

"Anong project?" naguguluhang tanong ko. "At bakit ako? Sa dinami-dami ng tao sa lugar na 'to, bakit ako?"

Nataranta siya. Sa tingin ko, hindi niya malaman kung ano ang isasagot niya. "Kasi mabait ka sa pakiramdam ko." Humina ang buo niyang boses na gamit niya mula kanina.

May kung ano ang nagwala sa tyan ko. "Feeling mo lang 'yon." Binilisan ko ang lakad ko.

Umiling siya at humabol ulit sa lakad ko. Hindi niya nararamdaman na habol siya ng habol? "Basta, ate, kapag natulungan mo ko, ibibigay ko kahit anong gusto mo." Namuo ang pawis sa kanyang noo dahil sa sinag ng araw.

Napaisip ako. Pero pinilit kong itigil ang pag-iisip at sabihin sa kanyang ayaw ko kahit ano pa 'yon. Lason lang ang mga sinasabi niya at niloloko ka lang niyan, Margarette Katrice!

"Kahit ano?" Itatanong ko lang naman. 'Wag ano.

Tumango siya. "Sa abot ng makakaya ko."

Tumango ako. "Still, ayoko pa din."

Nalaglag ang panga niya. "Ha?" Nagkamot siya ng ulo niya. Lalong gumulo ang buhok niyang magulo na kanina. "Magbigay ka ng gusto mo, ibibigay ko sa'yo mamaya." aniya, pursigido ang boses.

Kahit ano, huh? Iniisip ko pa lang kung saan niya kukunin 'yon ay lalong lumalayo ang pag-iisip ko. Hindi ako sumagot.

"Eto na lang," Nilabas niya ang wallet niya. "These are my identification cards." sabay lahad ng mga iyon.

Tinapunan ko iyon ng tingin. Marami iyon at hindi ko alam kung dapat na ba akong maniwala. His full name is Charles Avedra. Simple pero malakas ang dating. "Para saan 'yang project na sinasabi mo? Saan ka nag-aaral?" tanong ko at pinasadahan ka ulit ang mga ID na nasa harap ko. Nahagip pa ng mata ko ang ID picture niya. Gwapo, a?

"Hindi na ko nag-aaral. I am working. I am an... agent." sabi niya. "Dito." Pinakita niya ang isang card ng hindi kilalang kumpanya. Teka, baka sindikato 'to, a?

"Saan 'yan?" Nagtaas ako ng kilay at hinigpitan ang mga hawak kong libro.

Inayos niya ang laman ng wallet niya. "Sa Zerrex." Tumawa siya. "Sa kabilang mundo." Natigil siya sa pagtawa. "Joke." At tumawang muli.

So paano ako magtitiwala kung ganito siya kausap? May tumunog na phone habang nag-uusap kami. Tinignan ko ang phone ko at nakitang hindi akin 'yon.

Sinagot ni Charles ang tawag at medyo lumayo sa akin. Sinundan ko siya ng tingin. Ang lakas ng dating sa simpleng itim na tee shirt at skinny jeans. Napataas lalo ang kilay ko. Takasan ko na kaya?

"Yes, sir." Nanliit ang mata ko. Mukhang boss niya ang kausap niya, a? "Hinahanap ko pa lang po 'yong lugar, sir. Wala pong nakakaalam sa lahat ng napagtanungan ko... Sinundan ko po 'yong GPS." nagpipigil sa inis 'yong boses niya. Siguro nagagalit iyong boss niya? "Opo, sir."

Hinarap niya ako ng isang mabilisang galaw kaya nagulat ako. "Sige, a? Thank you." ngumisi siya at tumalikod na ulit sa akin.

Parang may kung ano ang naramdaman ko sa aking dibdib. Parang may bumara na hindi ko maintindihan. Pinanood ko ang bawat hakbang ni Charles. Palayo.

Fall of the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon