Downfall 18

244 15 5
                                    

Downfall 18

Happy Birthday


Tumuloy kami sa Horizon Point kung saan ito ang magsisilbing residence house namin. May sariling pool na ang bahay. Ito ay two storey at ang makikitang view sa bahay ay ang sunset. Tatlong kwarto mayroon sa bahay ngunit dalawang kwarto lang ang magagamit. Irereserba ang isa kung tutuloy man sila Daddy rito kinabukasan.

Nagpadala na lang ng pagkain. Mga tinatamad na kasing umalis patungo sa restau o kaya naman sa function hall.

Mga nakapuwesto na sa mahabang dining table ng bahay ang bawat isa. Sa isang halera ang mga lalaki at sa isang halera ang mga babae sa mga upuan. Dumako ang tingin ko kay Charles na malalim ang tingin sa akin kaya nagtaas akong kilay.

"Napagod ako." reklamo ni Franz at nag-inat. Humikab rin siya kaya lalong lumiit ang kanyang mga singkit na mata. Ang cheekbones niya ay nagpakita sa simpleng pagsasalita.

Tumawa si ate Karylle. "Parang ikaw nagdrive, a?" aniya at narinig ko na naman ang kanyang matinis na boses.

"Walang gigising ng ala-una ng hapon." singit ni Kuya Camron sabay sulyap sa akin kaya napahagikgik ako. "Maaga tayo bukas para maraming activities."

Humalakhak si Kuya Jash. "Yes, boss."  Nanliit din ang mga mata niya. Ang magkakapatid na sila Jash ay singkit at talagang halos magkalamukha kaya hindi mapagkakaila.

Lumipad ang gitnang daliri ni Kuya Camron sa ere. "Bakit ba umuwi ka pa?" Umirap si Kuya.

Napasinghap si Kuya Jash. "Dude, we're friends since we were Kindergarten! Tapos gaganyanin mo lang ako." Umiling siya at pinatong ang malaking kamay sa mesa. "Puro Mylka na lang ba? Teka, bakit hindi mo sinama iyon?"

Nagkibit balikat si Kuya. "Ayaw, e. Nahihiya raw." Tumawa siya. "Bakit, ikaw? Hindi ko sinama si Vianne?"

Nanlaki ang mga mata ko. Who's that girl? Meron? Si Jash? Ang pihikang si Jash Alec Dy?

"Wait, who's Vianne?" gulat si Tristine. "Sa'yo?" tanong niya sabay lingon kay Kuya Jash at umiling. "Kawawa 'yong babae." Tumawa siya.

"Mahiya kayo kay Charles, o." singit ni Tristan at tumawa. Hawak niya ang kutsara at pinapatunog ito sa plato habang hinihintay na dumating ang mga pagkain.

Parang naistorbo si Charles sa pagtitig sa akin dahil nagulat pa siya at walang kaalam alam ba nabanggit ang kanyang pangalan.

"You should not feel shy around us, Charles." ani ate Nicolette na nagpatigil ng hininga ko. Thank you for reminding him. Ang galing mo, ate.

Tumawa si Charles. "Yeah." Tumango siya. Ang mga pagod niyang mata ay bumabagsak na.

"Ano ba 'yan, ate." singit ni Suzette. Ang kanyang mahinhin na boses ay naging iritado na naman.

"What, Zette?" Taas kilay na tanong ni ate Niolette. "Ayaw magsalita ni Katrice, e." Lumingon siya sa akin at ngumiti.

Hindi ako umimik o ngumiti. Nagtaas ng kilay sa akin si Kuya Camron ngunit wala akong pakialam. He knew what's happening! Tutal close naman sila ni ate Nicolette noon, bakit hindi niya ito kausapin? Kasi nagseselos ang girlfriend niya ganoon? Girlfriend his ass.

"Galing naman, Lette!" Humalakhak ang inosenteng si Kuya Jash. He knows nothing. Wala siyang alam sa mga kilos ni ate Nicolette habang wala siya. He's not obliged to know that though.

Dumating ang mga pagkain. Nanahimik ang lahat dahil sa gutom. Amoy na amoy ang mabangong mga seafoods. I missed this!

Maaga ring nagsipunta sa bawat kwarto ang bawat isa pagkatapos kumain. Mga wala ng balak libutin ang resort ng gabi sa unang araw. Si Charles ay masyadong nag-enjoy kasama ang mga pinsan kong lalaki kaya naman mabilis siyang nakapagpaalam para sa paghihiwalay namin ngayong gabi. I didn't expect that. Akala ko mahihirapan siyang makisama pero dapat yatang hindi ko inisip iyon. Boys will be boys. Mabilis at hindi nagpapatumpik tumpik.

Fall of the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon