Downfall 14

220 14 2
                                    

Downfall 14

My Friend


Malakas na music ang dumadagundong sa buong lugar. Ang iba't ibang kulay ng ilaw ang sumasakop. Maraming tao sa paligid at mga nagsasaya.

"What are your plans for your birthday, Kat?" tanong ni ate Nicolette sa akin sabay lagok ng kanyang wine.

Tumawa ako. "Matagal pa 'yon." Inayos ko ang bangles sa aking palapulsuhan. Isa doon ay ang binigay ni Art dahil bagay ang mga gintong dyamante nito sa aking puting rompers.

"It's... two weeks from now." singit ni Tristine at hinawi ang kanyang mahabang itim na buhok.

Nagkibit balikat ako at hindi na nagsalita. Nandito kami ngayon sa isang bar dahil walang pasok bukas dahil Chinese New Year. Nakaupo sa isang mahabang sofa.

"Wala ba kayong plano pumuntang dance floor?" Lumapit sa amin si Suzette na nakadilaw na maikling dress. Bagay sa kanyang mestisang kulay. Kulot ang kanyang maikling buhok at kumikinang ang malalaking hikaw.

"May pogi ba?" Humalakhak si Tristine at tumayo. Nagpakita ang kabuuan ng kanyang dark red crop top at isang puting maikling shorts. Nangibabaw ang kanyang puting kutis sa sinuot. "Tara, ate Lette." tawag niya sa kay Nicolette na nagtitipa sa kanyang cellphone. Lumingon sa akin si Tristine. "Ikaw, Kat?"

Umiling ako. "Maya-maya." Ininom ko ang natitirang red wine sa aking baso.

"Ha? Wala kang kasama..." Natigil sa pagsasalita si Suzette. "O, Tristan." Umupo si Tristan sa isang upuan sa harap ko.

Mukhang badtrip ang aura ni Tristan. Napansin ko ang mapula niyang pisngi. Gusto kong tumawa ngunit pinigilan ko.

"Ano nangyari sa iyo?" tanong ni Tristine sa kanyang kapatid na nakasimangot at magulo ang buhok.

Umiling si Tristan. "Wala." Nagsalin siya ng alak sa isang basong hindi pa gamit.

"Hay naku." Umiling si Tristine. "Tara, tara." Aya niya sa dalawang babaeng magkapatid.

Sinundan ko ng tingin ang tatlong babae hanggang sa mawala sila sa aking paningin dahil pababa ng hagdan.

Nilingon ko si Tristan na nakaigting ang bagang. Napansin ko rin ang basang puting polo shirt niya sa bandang dibdib. Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang pagtawa.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong ko at nagtaas ng kilay.

Umiling siya at ininom ang nasa kanyang baso.

"Nandoon ba ang babaeng gusto mo?" Nagtaas ako ng kilay. I am not sure with what I ask though. Hindi ko alam kung may nagugustuhan siya o patuloy sa paglalaro ng palihim.

"'Yong boyfriend." sabi niya sa wakas. Nagulat ako. So meron nga? Hindi nakaabot ang kwentong ganito sa akin, a? "May kahalikang babae. Sarap patayin." Umirap siya at itinuon ang pansin ang chips na nasa mesa.

Hindi ako umimik. He's serious. Wala akong maisagot. Ilang minuto pa ay bumalik na ang mga pinsan ko. Wala si Kuya dahil kailangan siya sa Manila. Sayang at hindi niya pa makikilala... Napailing ako.

Si Franz ang huling dumating at malaki ang kanyang ngisi. Sumisipol pa habang paupo sa aming table. Ang kanyang pagmumukha ay kabaliktaran ng kay Tristan. Mukhang naka-score ito.

"Napano ka naman?" tanong ni ate Karylle na nasa aking tabi. Ang perpektong kilay niya ay tumaas.

Tumawa siya. "Nakita niyo ba iyong babae sa dancefloor? Perfect!" Hinubog niya pa sa hangin ang katawan ng babaeng nakilala niya sa dancefloor.

Fall of the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon