Hawak ni Ashley ang wala ng laman na bote ng mineral water habang nakaupo sa isang bench malapit sa badminton court. Kasama niya doon si Nathan, ang kanyang bestfriend. They are inseparable. They had been bestfriends since highschool until now that they are already in college. First year college silang dalawa. Siya ay kumukuha ng BS Chemistry habang si Nathan naman ay Geology.
Kasalukuyan silang nanunuod ng badminton game.
"Ang ganda talaga ni Audrey at ang galing pa niyang maglaro ng badminton," sabi ni Nathan habang titig na titig sa babae na siyang varsity player nang nasabing laro sa university.
Napatingin dito si Ashley.
Nangingislap ang mga mata ng bestfriend niya. Mukhang pinana talaga ni kupido ang puso nito.
Isang di pamilyar na kirot ang nadama ni Ashley. Binalewala niya ito.
Matagal nang crush ni Nathan si Audrey. Tandang-tanda pa niya kung paano siya kinutsaba nito, makilala lang ang babae. Syempre pa, bilang bestfriend nito, tinulungan naman niya ito. Kahit pa lihim siyang nasasaktan.
"Oy! Ano ba?? Ash?''
Nagulat siya ng biglang hinawakan ni Nathan ang magkabilang pisngi niya,
"Aa...huh? M-may sinabi ka ba?"
Inalis niya ang mga palad nito.
"Sabi ko, liligawan ko nalang kaya siya."
"Li...ligawan?" She hates it. Nagsta-stammer kasi siya.
"Oo! Ash, tinamaan talaga ako eh!" Hindi na nito maalis-alis ang titig kay Audrey.
"Eh di ligawan mo siya kung gusto mo! Ano namang pakialam ko d'un?!"
"Hey! Galit ka ba?" Gulat na baling nito sa kanya.
Nabigla naman siya sa inasal niya.
"...Ha??...Ahm.. Hindi! Kuwan kasi.. ahm.. p-pagod lang ako! Ang ibig kong sabihin ay ligawan mo siya kung talagang mahal mo. I'm sure naman magugustuhan ka din nun." Sinasabi niya ito ng hindi tumitingin ng diretso kay Nathan.
"Thank you Ash! Pinapalakas mo talaga ang loob ko. The best ka talaga. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka." Sa gulat niya ay bigla siyang niyakap nito.
BINABASA MO ANG
Friendship Never Ends
RomanceThe Ashley and Nathan Story ^_____^ Hope you like it ^__^