Chapter 3

18 1 0
                                    

Kinabukasan, masayang mukha ni Nathan ang sumalubong sa kanya.

"Good Morning bestfriend!"

"Good Morning din. Masaya tayo ngayun ah?"

"Well, guess what Ash? Mukhang may pag-asa na ako kay Audrey!"

"A...ang ibig mong sabihin...?"

"Oo! I already courted her. And it seems that the feeling is mutual," kitang-kita ni Ashley sa mga mata ni Nathan kung gaano ito kasaya.

"G-ganun ba? Mabuti naman. I'm happy for you Nate."

Sabi niya ngunit hindi tumitingin dito. Pilit niyang itinatago ang kirot sa puso niya. Ke-aga aga, broken hearted na siya agad.

Ngayon palang ay sisimulan na niyang alisin ang kung ano mang nararamdaman niya para ka Nathan. Siya lang din naman ang masasaktan. Maybe, they are not really meant for each other.

At least, bestfriend niya ito.

Makuntento na siya dapat dun.

----------------

Natapos ang klase nang araw na yun na wala man lang naintindihan sa Ashley sa lahat ng leksyon niya. Maliban sa nasasaktan siya, nanghihina rin siya na hindi niya mawari.

Kasalukuyan siyang nagpapalit ng damit ng mapansin niya ang mga pasa sa braso niya.

Nagtaka siya.

Hindi niya matandaan na nabangga siya, at wala rin siyang matandaang dahilan kung paano niya nakuha ang pasa sa braso niya.

Binalewala na lamang niya ito. Inisip niya na baka hindi niya lang namalayan na may nabangga pala siya.

Friendship Never EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon