Chapter 17

19 1 0
                                    

Naabutan ni Ashley na nag-uusap sina Nathan at Audrey nang hapung yun.

At kung hindi siya nagkakamali, umaarte na naman siguro si Audrey.

Mukha kasi itong umiiyak.

Parang kanina lang, mukha itong tigre dahil nahuli niya.

Lumapit siya sa mga ito.

Ayaw niyang patuloy parin nitong lokohin si Nathan..

"Nate! Pwede ba kitang makausap?"

Bumaling si Nathan sa kanya. Tinanguan nito si Audrey pagkatapos ay umalis ang huli.

"Ano yun?" Malamig na tanong ni Nathan sa kanya.

Binalewala niya iyon.

"Tungkol kay Audrey!"

"Na ano? Na nakita mo siya at may kahalikang ibang lalaki? Ano pa?!" Malamig pa ring tugon nito.

Ikinagulat naman niya iyo. "A...a-alam mo na?"

"Ashley naman! Alam kong ayaw mo kay Audrey... Pero wag mo naman sana kaming sirain!"

"A-ano?! Hindi kita maintindihan Nate?"

"Wag ka na kasing mag'maang-maangan pa Ash. Ayaw mo kay Audrey kaya sinabihan mo siyang layuan ako! And because ayaw niya, binantaan mo siyang sisirain mo siya sa akin by making absurd stories! Are you that pathetic Ash?! Why would stooped that low?!" Galit ang nakikita niya sa mga mata ni Nathan habang nagsasalita ito.

"A-ano? Nathan?! What are you talking about? Ganyan ba ang tingin mo sa akin? Sa tinagal tagal na nang pagkakaibigan natin? Mas paniniwalaan mo pa ang babaeng yun kesa sa akin?" Hindi na niya mapigilan ang mapaluha. " Sorry Nate. Concerned lang naman ako sayo!"

"Ayan ka naman Ash eh. Susumbatan mo naman ako!"

"Nag-aalala lang ako para sayo Nathan. Pero bakit ako pa yata ang masama?!"

"Bakit Ash?! Bakit ganyan ka mag-alala sa akin? Huh? Why?!"

"DAHIL MAHAL KITA!!" Hindi na niya mapigilan ang mga salitang iyun na lumabas sa bibig niya.

"What? Ash, alam mong mahal din kita. We've been bestfrie...."

"Mahal KITA HINDI LANG BILANG KAIBIGAN you idiot. Hindi ko lang alam kung nabubulagan ka lang ba ng pagmamahal mo kay Audrey o talagang manhid ka lang kaya hindi mo nararamdaman yun! Pero gusto kung malaman mo, na kahit mahal kita, kahita ayaw ko kay Audrey kasi sa tuwing nakikita ko kayung magkasama ay dinudurog yung puso ko, ayaw ko pa ring maghiwalay kayo. Kasi, kapag nakita kitang masaya kapag kasama siya, masaya na rin ako. Ang tanga ko di ba?? Nagpapaka-masokista ako dahil sa bwisit na pagmamahal na ito. Kaya pasensiya na kung masyado na kitang nasasakal. Huwag kang mag-alala. Ito na ang huli. Hinding hindi na ako magpapakita sa iyo!" Pinahid niya ang mga luha niya at tumalikod.

"Ash...!" Akmang hahawakan nito ang braso niya but she flinched.

"No Nate! Huwag na nating pahirapan pa ang ating mga sarili. Gusto ko lang malaman mo na kahit sobra kitang mahal, kuntento na ako sa kung anong meron tayo."

At tuluyan na siyang umalis.

Hilam sa luha ang mga mata.

Friendship Never EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon