Chapter 5

16 1 0
                                    

Unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata.

Naramdaman niyang nasa sarili na siyang silid at nag-aalalang mukha ng mommy niya ang tumambad sa kanya.

"Anak! Gising ka na pala. Masyado akong nag-alala sayo. Kamusta na'ng pakiramdam mo?" Tanong nito.

"A-ano pong nangyari?"

"Di mo ba natandaan? Nawalan ka nang malay sa school niyo. Buti nalang, nandun si Nathan. Dinala ka dito.

Saka palang niya naalala ang nangyari kanina.

"Asan ho si Nathan?"

"Naku anak. Pinauwi ko na muna. Kanina pa yun dito eh! Ayaw sanang umalis. Hintayin ka daw'ng magising kaso pinauwi ko kasi mag-aalala nang mga magulang nun."

"Ganun ho ba?"

"Anak? May sakit ka ba? Baka kailangan mong magpatingin sa doktor. Napansin ko kasi, ang dami mong pasa diyan sa braso mo. Baka ano na yan?" Punong-puno ng pag-alalang sabi nito.

"Wala ito mom. Pagod lang ako. Kailangan ko lang ng pahinga," she show a faint smile just to ensure her mother that she's okay.

"Siya sige! Magpahinga kang mabuti anak!"

Pagkaalis ng mommy niya ang ay ipinikit niya ang kanyang mga mata at bumalik sa pagtulog.

Friendship Never EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon