Pagkatapos nang pangyayaring iyon ay hindi na talaga lumalapit si Ashley sa dalawa.
Miminsan narin lang silang mag-usap ni Nathan.
Kasalukuyan siyang nasa loob ng kwarto niya nang kumatok ang mommy niya.
"Tuloy!"
" Oh anak! Hindi ka ba papasok?" Tanong nito.
"Mamayang hapon pa po ang klase ko mom. Meeting kasi ng faculty ngayun eh."
"Ganun ba?... Siyanga pala anak. Malapit na kasi yung debut mo."
"Mom!.. Di ba nasabi ko na sa inyo? Gusto ko, simple lang. Ayoko nang mag-abala pa kayo ni Dad. Tsaka gastos lang yun," ang daddy niya ay kasalukuyang nasa US nagtatrabaho kaya dalawa lang sila nga mommy niya sa bahay nila.
"Pero anak, isang beses kalang namang magdebut eh!"
"Mom...okay lang talaga sa akin yung simple."
"Kung iyan ang gusto mo anak! Pagbibigyan ka namin. Alam mo naman kung gaano ka kahalaga sa amin ng daddy mo diba?"
"Mommy naman eh! Wag nga kayong magdrama diyan. Naiiyak ako eh!"
At sabay silang nagtawanan ng mommy niya.
BINABASA MO ANG
Friendship Never Ends
RomanceThe Ashley and Nathan Story ^_____^ Hope you like it ^__^