Days have passed, nanatiling malungkot si Ashley.
Pero kahit papaano, still manage to look fine in front of Nathan and Audrey.
She talked with them, laughed with them, but being pained inside.
Hindi naman niya pwedeng iwasan ang dalawa. Ayaw niyang mapansin o malaman ni Nathan ang tungkol sa inililihim niyang pagtingin dito.
Hanggang isang hapon, nakita niya si Audrey.
At.
.
.
.
.
.
.
.
May ka holding hands itong ibang lalaki.Akala niya no'ng una ay si Nathan yon pero hindi pala. Nang makita siya nito ay bigla nitong binitawan ang lalaki at umiwas ng tingin sa kanya.
Ilang saglit pa'y dali dali itong umalis.
Nagtaka siya!
Bakit may kasamang iba si Audrey?
Wala na ba ito at si Nathan?
Tsaktong-tsakto naman nang mawala sa paningin si Audrey at ang lalaking kasama nito nang dumating si Nathan.
"Ash?" Bungad nito.
"Oh Nate? Ba't di kayo magkasama ni Audrey?"
"Ha? Umh... nauna na siya eh! Masakit daw ang ulo niya."
Nagtaka siya sa isinagot nito. "Ano? Nakita ko siya kanina ah... may kasama pa ngang...," ngunit hindi niya magawang ituloy ang sasabihin.
"May kasamang ano?" Nagtataka ring tanong ni Nathan.
"Uhm... nevermind! Namalikmata lang siguro ako." Pagsisinungaling nalang niya.
"Aah.. siya nga pala. Ash! Maari bang humingi sayo ng pabor?"
"Oo naman noh! Ano yun?"
"Kasi... alam mo naman si mommy diba? College na ako pero kung tratuhin ako ay parang bata.''
"Oh. Ano naman ngayon?"
"Gusto ko sanang yayain ng dinner si Audrey. Gusto kong sumama ka, kasi alam kong papayag kaagad si mom pag sinabi kong kasama ka. Malakas ka dun eh."
"Pero Nate..." nakikinita na niya kung anong kalbaryo na naman ang daranasin niya pag nagkataon.
"Please Ash! Promise. Wala kang gagastusin. Treat ko lahat, pumayag ka lang, please?"
"Nate, pwede namang hindi mo nalang ipaalam kay Tita na..."
"Ash! Alam mo namang ayaw na ayaw kong magsinungaling kay Mom eh. Ikaw lang talaga ang pag-asa ko. Please....."
"Kasi Nate..., ngunit nang tumingin siya sa mga mata nito ay naglaho lahat ng pagtutol niya," sige na nga!"
"Woooo!!! Thank you talaga Ash!" Anito sabay yakap sa kanya.
Hay! Bahala na.
Alam naman niyang hindi niya kayang paghindian tong besfriend niya eh.
BINABASA MO ANG
Friendship Never Ends
RomanceThe Ashley and Nathan Story ^_____^ Hope you like it ^__^