Naiwang nakatulala si Nathan.
Mahal siya ni Ashley?
.
.
.
Hanggang ngayon ay umaalingawngaw parin sa isip niya ang mga sinabi nito.Nagsisisi din siya sa mga sinabi niya kanina.
Hindi niya kasi dapat sinabi yun.
At mahal?
Si Ashley?!
Kung alam mo lang Ash. Naisip nalang niya.
Ang totoo niyan, matagal na talaga niyang mahal si Ashley.
Highschool palang sila.
Hindi niya alam kung paano at kailan nagsimula ang pagsibol ng feelings niya para dito, na mahal niya ito higit sa pagmamahal ng isang kaibigan.
Kung alam lang ni Ashley kung gaano siya naiinis noon kapag may lumalapit na mga lalaki dito.
Umabot na nga siya sa point na hinaharangan niya sa labas ng campus ang mga manliligaw nito at tinatakot.
Noong una, akala lang niya ay possessive lang talaga siya dito kasi bestfriend niya ito. Pero nang kalaunan, narealize nalang niya na nagseselos pala siya.
He had been suppressing that feelings since then.
He tried dating other girls.
Baka sakaling mawala yun.Ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila.
Pinili niya yung kung saan sila magtagal.
Yung walang break-up.
At yun ay ang pagiging mag bestfriend nila.
Gusto niya itong habulin kanina.
Gusto niyang sabihin dito na mahal niya ito. Ngunit natakot siya.
Papalipasin muna niya ang araw na ito.
Sasabihin din niya kay Ashley na mahal niya ito.
Higit pa sa pagkakaibigan.
BINABASA MO ANG
Friendship Never Ends
RomanceThe Ashley and Nathan Story ^_____^ Hope you like it ^__^