Chapter 11

17 0 0
                                    

"Nate!!!" Tawag ni Ashley kay Nathan.

Hapon nun at nasa loob pa sila ng school campus.

Nagtaka siya dahil hindi nito kasama si Audrey.

"Oh Ash! Kamusta ka na? Ilang araw narin tayong hindi nagkasama ah? Nami-miss ko na tuloy ang bestfriend ko."

Ikaw lang naman tong busy kay Audrey eh! Bulong ni Ashley, "Busy kasi tayo masyado eh!"

"Oo nga eh! Tss! Oo nga pala, ba't hindi ka pa umuuwi? Hatid na kita!"

"Uhm... Nate? Kasi, di ba debut ko sa susunod na araw, gusto sana kitang imbitahan."

"Well, bestfriend, kahit hindi mo pa ako imbitahin, talagang pupunta ako noh! Ayokong ma-miss ang isa sa pinakamahalagang araw sa buhay nga bestfriend ko. Sayang nga at walang sayaw'2 eh. Ako sana escort mo!" Sinabayan pa nito ng akbay sa kanya.

Gusto niyang kiligin pero ayaw rin niyang umasa na naman ang puso niya.

Dahil sa huli, siya rin naman ang masasaktan.

Friendship Never EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon