Eleven months later...
Lucky I'm inlove with my bestfriend.
Lucky to have been where I have been.
Lucky to b...Nagising si Nathan sa pag-ring ng phone niya.
Tiningnan niya ito.
Unregistered number ang tumatawag.
"Hello?"
"H--el..lo Nat..e"
Biglang may bundol sa dibdib niya.
Kilala niya ang boses na yon.
Isang tao lang din ang tumatawag sa kanya ng ganun.
"Ash?!.." God! How he missed her.
Halos mabaliw sa kaiisip dito mula nung umalis ito.
"A--ko n..ga Nat..e. Buti n..naman at k--kilala mo pa ak..o." tumawa ito ng mahina.
"Ash! I missed you so much? Nasaan ka? Bakit ganyan ang boses mo?"
"P...pagod la..ng ako. P..punta ka sa bahay. Gu-gusto ki..tang makita.."
Biglang namatay ang linya.
Baka naman may ibang kausap.
isip niya.Dali-dali siyang nagbihis at pumunta sa bahay ng mga ito.
Ang mayordoma ang nagbukas sa kanya.
Pagkatapos ay nakita niyang lumabas ang mommy ni Ashley.
Namumugto ang mga mata nito.
"Tita? Ano hong problema? Si Ashley ho? Nasa loob po ba siya? Tumawag po siya sa akin eh."
Napaluha na naman ang mommy ni Ashley.
Ewan lang niya pero..
Parang may malo eh.
"O..okay lang ho ba kayo Tita?"
"N..nathan. sumama ka sa akin sa lo..loob."
Tumalikod ito at pumasok.
Nagtatakang sumunod na lamang siya dito.
Dinala siya nito sa silid ni Ashley.
Pagdating niya sa loob ay medyo nagtaka siya dahil, nasa loob din ang daddy nito.
"Ash?" Tawag niya.
Nang mapadako ang tingin niya sa kama, nakita niya doon si Ashley.
Nakahiga at..
Nakapikit..
Ash? Are you sleeping? But no. Something is really wrong. Kausap ko lang siya kanina eh.
"T-tulog ho p..pala siya.!
Biglang lumapit ang mommu ni Ashley sa kanya at humagulhol ng iyak. "No Nathan! She's n..not sleeping. She's... she's d-dead!"
Para iyong bombamg sumabog sa pandinig niya. Nanlaki ang mga matang napatingin siya kay Ashley.
She's dead!
She's dead
She's dead
She's dead
Paulit-ulit itong umalingawngaw sa isip niya!
"NO!!!! NO ASH! YOU CAN'T BE DEAD! Gusto mo pa akong makita di ba? Gumising ka Ash. Please. Hindi magandang biro to. Sige ka! Ayoko nang makipagbestftriend sayo. Ash! Gising na! ASH!!!!"
Nilapitan siya ng daddy ni nito.
"Nathan.."
"No tito. Kausap ko pa siya kanina eh. Ash.. pl..please. Wag mo nang gawin to."
"T..tanggapin na natin Nathan. Makakapagpahinga na rin siya."
Lumapit din ang mommy ni Ashley sa kanya at may iniabot na sulat. "Ipinabibigay niya pala sayo. B..baka sakali daw'ng.. hin.di ka na aabot." Umagos na naman ang luha sa mga mata nito.
Wala sa loob na tinanggap niya ito.
Gusto niyang magwala.
Gusto niyang yugyugin ng yugyugin si Ashley.
Baka sakaling gumising ito.
Lumabas siya ng bahay.
Pumasok sa kotse niya at hilam sa luha ang mga mata na pinatakbo niya ito.
Ilang beses rin siyang muntik ng mabangga.
Pinatigil niya ang kotse sa gilid ng daan at kinuha niya ang sulat ni Ashley!
Dear Best Friend
Nate, sorry ha. Kung hindi na ako nakapagpaalam sayo nung umalis kami. Ayoko lang kasing mag-alala ka eh. Natandaan mo yung dinala ako sa hospital after ng debut ko? Na diagnose kasi ako eh. Leukemia. Malala na. Binigyan na nga ng doktor ng taning ang buhay ko eh. Sorry kung hindi ko sinabi sayo.
Sorry din sa lahat. Sa mga pagkukulang ko. Pasensiya ka na kung nasasakal ka na sa akin minsan.
Nate, kung mawala man ako, sana makahanap ka rin ng bagong bestfriend. Yung mamahalin ka, poprotektahan ka, at higit sa lahat, yung hindi ka sasaktan. Yung taong magpapasaya sayo.
Sana rin mahanap mo na yung babaeng mamahalin mo at mamahalin ka rin.
Nate, I may soon return to dust, and you might forget me, but I will never forget you. You will always be my bestfriend. No one could replace you.
I love you Nate.
Alagaan mo sarili mo. Kung hindi, mumultuhin talaga kita. Takot ka pa naman dun.
Hangad ko ang kaligayahan mo!
My life me end, but our friendship will never end.
Ang pinakamaganda mong Best Friend,
Ashley :)
BINABASA MO ANG
Friendship Never Ends
RomanceThe Ashley and Nathan Story ^_____^ Hope you like it ^__^