Chapter 8

31 1 0
                                    

Dumating ang gabing pinakaayaw ni Ashley.

Pero yun nga, wala siyang nagaw kundi pumayag na sumama.

"Chaperon" tuloy ang naging papel niya sa date ng dalawa.

Kasalukuyan silang kumakain sa isang sikat na Chinese Restaurant.

Nang dumating ang order nila ay nagsimula na silang kumain.

Ngunit parang ang hirap lunukin nang pagkain para kay Ashley lalo na nang makita niya kung gaano ka sweet ang dalawa.

Nagsusubuan pa ang mga ito.

"Wow babe! Ang sarap naman nang foods nila dito." Ani Audrey habang sinusubuan si Nathan.

Pakiwari niya ay sadya siya nitong pinapainggit.

Iwan ba niya kung bakit ngunit parang ayaw din ni Audrey sa kanya.

"Oo nga babe eh," sagot din ni Nathan ng biglang napatingin ito sa kanya, "o Ash! Ba't di mo ginagalaw yang pagkain mo? Ayaw mo ba niyan? Gusto mo, order tayo ng iba?" Anyong tatawagin na nito ang waiter ng pigilan niya.

"Nate! Wag na. I like the foods pero mukhang masama lang ata ang pakiramdam ko eh!"

"Ha? Ganun ba? Baka gusto mong umuwi? Ihahatid na kita."

Lihim siyang nagdiwang. Punong-puno ng concern ang tinig ni Nathan. Kaya ng sulyapan niya si Audrey ay nagsesentir ito.

Mabuti naman at may kabaitan pang nakasuksuk sa bulsa niya. Ayaw pa rin niyang sirain ang gabi ng mga ito.

"Hindi! Okay lang Nate. Wag mo akong intindihin. Pupunta lang ako ng powder room." Aniya sabay tayo.

Tamang tama naman na pagtayo niya ay natabig ni Audrey ang baso ng juice at tumapon ito sa ibabang bahagi ng damit niya.

"Woops! Sorry! Sorry talaga Ashley! Hindi ko sinasadya," ani Audrey.

Sauce! Alam naman ni Ashley na talagang sinadya nitong matapon ang juice sa kanya.

"Okay lang. Hindi mo naman sinadya eh!" Aniya sabay alis at pumuntang powder room.

Pagdating niya sa loob ay doon na niya ibinuhos ang sakit na nararamdaman niya.

Pagkatapos niyang umiyak at mag-retouch, hindi na siya bumalik pa sa table nila.

Dumiretso nalang siya sa kotse.

Nagtext nalang siya kay Nathan na maghihintay nalang siya sa kotse.

Friendship Never EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon