Chapter 12

12 0 0
                                    

Debut ni Ashley.

Kukunti lang ang mga bisita niya.

Gaya kasi nang gusto niya, ay ginawa lang simple ang okasyon.

"Ashley! Wala pa rin ba si Nathan? Kanina pa nanghahaba yang leeg mo jan ah!" Puna ni Carina, isa sa mga pinsan niya.

"Wala pa rin eh! Baka na-traffic lang yun!"

Maya-maya lang ay lumapit sa kanila ang mommy niya.

"Anak oh, telepono! Si Nathan!" Sabi ng mommy niya sabay abot sa kanya ng cordless phone.

"Hello Nate? Asan ka na?" Bungad agad ni Ashley kay Nathan.

"Ash! Sorry talaga ha! Dinala kasi ako ni Audrey sa bahay nila para ipakilala sa mga magulang niya eh. Hindi ko naman mapaghindian kasi baka magtampo. Pero Ash! Promise! Male-late lang ako pero dadating ako. Pangako ko yan!"

"Okay lang Nate! Alam ko namang mas mahalaga sayo si Audrey eh!"

"Ash naman! Hindi naman sa ganun!"

"Okay lang talaga Nate. Sige! May bisita pa kasi akong aasikasuhin!"

"Ash..." hindi na niya pinatapos pa ang kung ano mang sasabihin nito. Binigay na niya ang phone sa mommy niya at nakangiting lumapit sa mga kaibigan niya.

She will not let what happened to ruin her special night.

Friendship Never EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon