Chapter 13

11 1 0
                                    

"Anak! Pumasok ka na sa loob!" Utos ng mommy ni Ashley sa kanya.

Tapos na ang party niya.

Nagsiuwian na rin ang mga bisita niya.

Tiningnan niya ang suot na wristwatch.

Alas dos na nang madaling araw.

"Opo mom! Susunod na ako!" Baling niya sa ina. Kasalukuyan siyang nakaupo sa hagdan papasok sa bahay nila.

"Sige! Wag mo nang hintayin ang wala anak," sabi pa ng mommy niya bago pumasok sa loob.

Alam niya kung sino ang tinutukoy nito.

Natapos nalang ang party pero walang Nathan na dumating.

Damn you! Mura niya sa isip.

Pinangakuan lang siya ni Nathan. He didn't keep his promise.

Well, sino ba naman kasi siya kumpara kay Audrey.

Isang hamak lang siya na bestfriend!

Nagpakatanga, nagiging masokista na't lahat-lahat, wala parin siyang kwenta dito.

Pinahid niya ang ang luhang umagos sa pisngi niya.

Tumayo siya at tumalikod.

Akmang papasok na siya sa loob ng biglang may nagsalita sa likuran niya.

"Happy birthday Ash!"

Natigilan siya!

Ngunit hindi niya ito nilongon!

"Belated happy birthday! Kahapon pa yung birthday ko!" Sagot niya dito. Ni hindi ito inabalang lingunin.

"I'm so sorry Ash! Napainom kasi ako dun eh. Hindi ko na namalayan kung anong oras na!" Si Nathan.

"Sana hindi ka na nangako!"

"Ash.."

Nilingon niya ito.

"Sana hindi ka na nangako para hindi na ako umasa! Para hindi ako nagmumukhang tanga sa kahihintay sa wala. Sana, sinabi mo nalang sa akin na wala ka naman talagang balak pumunta dito kasi kahit bali-baliktarin man ang mundo, mas mahalaga pa rin si Audrey sayo!! Sana..." nag-uunahan na sa pagtulo ang mga luha niya.

Parang pinipiga ang puso niya sa sakit.

"Ashley! Wala naman akong sinabi na mas mahalaga si Audrey. Its just that..."

"Its just that what? Girlfriend mo siya, bestfriend mo lang ako?! It's very clear to me now Nathan!"

"Ash..! Intindihin mo naman ako!"

"Pagod na ako Nate."

"Ash!.."

"Sige Nate.. May pasok pa ako bukas.. Bye!" Tatalikod na siya dito nang biglang nagdilim ang paningin niya at nawalan siya ng malay.

Naulinigan pa niya ang boses ng mommy niya na palabas mula sa loob ng bahay.

Friendship Never EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon