Chapter 1

178 12 1
                                    


ARZAYLEA'S P.O.V

*knock* *knock*

"Bukas po yan." Sabi ko without looking at the door at nakatuon lang ang pansin ko sa screen ng laptop ko.

"Hey Sweetie."

"Ah, Hi Ma. Bakit po?" Ang unusual kasi pagpumupunta si mama dito sa kwarto ko. It's either may kailangan sya or aalis sila ni Dad. Pero anyways sumulyap lang ako kay mama at tumingin agad sa laptop ko.

"Your tita Den just called me. She wants us to go in their house later. Be ready okay?"

"Yes mom. Noted." Himbis na umalis na si mama umupo pa sya sa tabi ko.

"Ma may kailangan ka pa po?" Tanong ko at tuluyan na akong nakatingin sa kanya.

"Sino yan Sweetie? Boyfriend mo ba?"

"PO?" Nawindang ako dun ha. Luh! Ang nanay ko nalilibang. "Ma! hindi ah. May ginagawa lang ako. Bakit nga po ulit tayo pupunta kina tita Den?"

"Her family is here." Sabi ni mama. So that means... "Yes, Sweetie even Andrei is here." Dugtong pa ni mama. I felt a sudden change. Parang biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Seriously Ara? Matagal na yun pero di ka pa rin nakakalimot. Kung load nga nageexpire feelings mo pa kayak ay Andrei—Oh wait did I just said na may feelings ako kay Andrei?

Goodness. I am totally insane.

"Anyways mukhang busy ka. Gotta go Sweetie. Later okay? Don't forget." And with that umalis ni si mama sa room ko.

Binura ko muna sa isipan ko yung thought na makikita ko si Andrei. Binalik ko yung tingin ko sa screen ng laptop ko.

*pop* twitter notification

Andrei Esguerra @Drei5G

Finally! It's good to be back. Have a nice day everyone :)

Oh My Freaking GOSH!! He is totally here! What to do?? 5 minutes pa lang ang nakakalipas naka 1.5k retweets at 1.8k favorites. Whoa. Ang bilis ah. Perks of being a famous. Yes guys, Andrei Esguerra is in the band named 5G.

Oo inaamin ko nang-iistalk ako sa kanya. Di lang sa kanya but all of them at lahat sila nandito sa Pilipinas! WHAAAAAAT?! Omg. Kailangan kong makapunta sa concert nila. Wala ako paki kung magkano basta Makita ko lang sila na kumanta at tumugtog with their designated instruments. Bibili na ko agad-agad! Lalo na at ngayon na daw mismo ang selling.

ArzayleaRocks!! @realzaylea

Seriously Ara?! Get your ass in here! Lol. Hi Babies @5G

*tweet sent*

After kong magtweet, naalala ko aalis nga pal--- "ATEEEEEE! MATAGAL KA PA BA???! DALIAN MO!"

"ETO NA WAIT LANG!" tignan mo 'tong kapatid ko! Di ko alam kung sino mas panganay sa amin eh -____-

Bumaba na ako at nagsuot lang ng jeans ko at plain white shirt tapos naka converse lang.

"Finally ate ang tagal mo. Uunahin mo pa twitter mo sa akin I mean yung 5G mo?"

"Okay okay. I'm sorry James. Saan ba tayo ngayon?" Somehow medyo nawala kahit papano yung nafefeel ko. I heaved a sigh.

"Dyan lang. Oo nga pala 'te! Ayiiiiieeeeee si Andrei andyan na. Hahahaha kinikilig ka 'no?" Tignan mo 'to.

"Oh talaga James? Magtigil ka dyan sa utak mo. Samahan mo pala ako bumili ng ticket."

"Lilibre mo ba ako? Sige naaaa please?" at nagpuppy eyes pa talaga sya. Totoo ba?

"Oo na. M.O.A tayo ha!" sabay takbo naming at sakay sa car. Since wala si Dad at Mom nagpahatid lang kami kay kuya Bert. Tignan mo nakalimutan na ni James na sya dapat ang masusunod ngayon pero wala eh hahaha iba talaga pag may nauuto.

Teka ako pala si Arzaylea (Ar-Zey-Ley) Mendez. 19 years old. My brother's name is James. Mahal na mahal ko ang 5G! 5 members sila. Kaya nga 5G. They are Andrei Esguerra in acoustic guitar, Lance Thomas is in bass guitar, Darwin Hales in his Drum, Marky Agustin in his Keyboard. Nathaniel Dionisio is the vocalist. Actually, all of them can sing.

These 5 dorks like fooling around pero when they are in stage, I assure you. Maghanda ka ng kiligin dahil sa galing nila. Syempre nandoon kasi si Andrei! I feel awkward everytime nagt-tweet ako sa kanya. Though, Of course kalimitan hindi natutuloy. Nakakahiya kasi eh. As a fan (yep as a fan lang. No insert of being me and him na magkababata DATI), syempre hindi naman give in na give in I mean kailangan ba sa lahat ng oras lag---

"Earth to Ate Ara! Earth to Ate Ara!" sabi ni James habang winawagayway yung kamay nya sa mukha ko.

"Spaced out ka. Tara na kanina pa tayo dito."

I just nod at my brother's act. Palibhasa maililibre ko ng ticket. Naimpluwensyahan ko lang yan kaya ganun.

"Oy James ikaw manlibre ng pagkain natin ha!"

"Sige game ako dyan." And boom nakarating na kami sa mismong bentahan ng ticket. Habang naghihintay kami ni james nagtweet muna ako

ArzayleaRocks!! @realzaylea

I'm with my brother here at XXXX. VIP tixx here we goooo! :)

*tweet sent*

Medyo nangangalahati pa lang ng magkaroon ng commotion dito sa loob.

"Nandito daw sila!!"

"DI NGA? TARA NAAA!"

"Shems kakarating lang nila, andito sila agad!!!!"

"I'm gonna die! I'm gonna die!!"

With those murmurs bigla na lang nagsitulakan yung mga fans na nasa likod ko. End up? Napunta kami ni James sa harap mismo. Kaso.. "Awww. Ang sakit! James!"

Tinulungan naman ako ni James. "Okay ka lang? buti naka Jeans ka. Tara na nasa harap na tayo. Thanks sa mga ka-uri mo. Pffft."

I managed to stand up and to my surprise

"Miss are you hurt?"

FREAKING ANDREI ESGUERRA IS HERE INFRONT OF ME ASKING IF I'M OKAY!!!!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hi Sweeties :) Well I hope you guys like the first chapter.

Vote and Comment please :) Thank you for reading.

Unedited.


Close As StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon