Chapter 15

57 7 0
                                    


ARZAYLEA's P.O.V


"Piaaaa! Namiss kitaaa!" sigaw ko habang papalapit kami sa isa't isa.

"Waaaaaa Ara Lea! Miss na miss na din kitaaaa!" sigaw nya pabalik.

"Echosera ka! Buti naman at dinalaw mo kami dito sa Bulacan?" sabi ni Pia sakin at oo nga pala pinsan ko. Nasa Bulacan kami ngayon, and yep kasama ang 5G. Isang linggo mula ng gumaling ako. Okay na naman daw ako at ayos lang daw kay Manager dahil nakapagpahinga daw sila at mas naayos yung sched yun nga lang, medyo nalate yung mga tours nila. Pero sabi naman habang nagpapagaling ako nagkaroon naman sila ng shows kaya ayos lang.

"Hindi kita dinalaw 'wag kang assuming. Saan sina Grans?" tanong ko. Inirapan lang ako ni Pia. "Ang sama mo. Nasa loob sila, at ikaw lang ba?"

"Nope." Sabi ko popping the 'p'. Napangiti na lang ako out of nowhere. "Sino mas bet mo ba? Si Lance, Darwin, Marky, Niel o Andrei?" kumunot naman ang noo ni pinsan at tinignan ako ng mukha-akong-nakadrugs -.- Ha! You owe me this one Pia. Lalo na't baka mahimatay ka pa sa malalaman mo. 

"Oh ano naman kinalaman ng 5G dito aber?" tanong nya. *evil laugh*

"Dali pumili ka na!" naeexcite ako grabe para sa pinsan ko. Alam ko naman na patay na patay 'yan kay "Duh! Pinsan syempre edi si Niel." Walang kupas talaga si Niel! On cue biglang sumulpot si Niel.

"Hi Pia!" sabi ni Niel at hinalikan ang kamay ni Pia. Ang gaga ayun naka nganga!

"Hoy Pia ano? Mapasukan ng langaw 'yan!"

"Holy Cheesecakes, pasampal nga Ara Lea." Napangiti naman ako at full force syang sinampal, ayos! medyo matagal na rin kasi nastock yung palad ko. 

"Putragis Ara! Ang sakit. Bakit ka ba nananampal? Nagdedaydream ako kasi nandito daw si Niel."

"Eh paano kung sabihin ko na oo?" tumawa naman ng parang baliw si Pia.

"Pfft—hahahaha! Baliw—hahahahaha! Si Niel? Hahahahaha—" napatigil sya dahil biglang sumulpot si Niel sa harapan nya at taas kilay ko syang tinignan.

"Oh iyan ang ebidensya."

Bigla naman umiyak si Pia. Whatthe? Ano Bipolar lang ang peg?

"Aaaaaaaaaaaahhhhhh! Huhuhuhuhu! Baby Nieeel!" Tignan mo 'to tumitili habang umiiyak, Wow! Magpinsan nga ata kami talaga.

"Hala? Ara grabe yung pinsan mo. Nakakatakot naman at—" naputol yung sasabihin ni Niel dahil bigla syang nilapitan ni Pia at umiyak sya sa dibdib ni Niel.

"Omg—huhuhu—Mahal na—huhuhu—mahal kitaaaa—huhuhu." Sabi ni Pia habang umiiyak.

"Hehe, tahan ka na." niyakap naman ni Niel si Pia. Wews, Awkward. Bigla naman tumingin sa akin si Pia 'Picturan mo kami' look ang ibinigay nya sa akin. Hindi ko sya mareach grabe, hindi ko tuloy alam kung dumadrama ba ang peg nitong si Pia.

Nagmake face lang ako at inilabas ang phone ko. Pinicturan ko siya ng pinicturan take note iba-iba pa ng anggulo baka mamaya umangal na naman at hindi pa ako tigilan.

ArzayleaRocks!! @realzaylea

I'm in Bulacan! Wooooo. Cousin's pic next to me.Lol

*insert picture*

*tweet sent*


Medyo nahimasmasan naman na si Pia. Para sure tinanong ko sya. "Ayos ka na?" tanong ko.

"*sniff* Oo naman pinsan."

Close As StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon