Epilogue (Part 1)

27 5 2
                                    


Isa, dalawa, tatlo, apat—hindi ko mabilang kung pang ilang buwan na wala ang lalaking minsan kong pinangarap, inibig, pero heto ako ngayon mukhang tangang naglalakad sa daan kasabay ng malakas na ulan. Araw-araw, gabi-gabi, paulit-ulit. Nakakapagod pero hindi ako nawawalan ng pag-asa.

Gabi noon nang hinabol ko si Andrei, hinding-hindi ko makakalimutan dahil pasko noon, malakas at may kasamang pagkulog, madilim ang paligid, ngunit wala akong pakialam. Umalis ako at pilit siyang inabutan daahil alam ko, simula't sapul mangyayari at mangyayari ito kahit pa sinabi nya na hindi niya ako iiwan pang muli. Takbo, lakad ang aking ginawa, kahit pa basang-basa na ako at ininda ko iyon. Nagpalingon-lingon ako sa paligid at napahinto ako sa tapat ng playground dito sa subdivision namin.

Napahampas ako sa dibdib ko dahil sa kahit anong lingon ko ay wala siya pero habang patakbo na sana muli ako ay biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Arzaylea"

Patuloy na umagos ang luha ko, nanginginig ng marinig ang boses niya. Kung kaya't agad akong napaharap at tinakbo ang pagitan namin sa isa't isa at niyakap siya ng pagkahigpit.

Paulit-ulit nagmamakaawa na huwag niya ako iwan pero ni isang pagsagot ay wala akong narinig na mas lalong nagpasira ng puso ko. Ang sakit. Ang sakit, sakit.

"Why do you keep on hurting me, Andrei?" sabi ko sa kanya habang patuloy ang pagiyak ko sa dibdib niya.

"I'm sorry." Bulong nito. At saka niya ako inilayo sa pagkakayakap.

"A-ano?" tanong ko sa kanya. "Hindi iyan ang gusto ko marinig." Bulong ko rin.

"Please, please, don't do this to me. Please."

"Andrei, mahal na mahal kita."

"Bakit lagi mo na lang ako sinasaktan? Sinungaling ka!" at hinampas hampas ko ang dibdib niya at nawawalan na ako ng lakas.

"Mahal mo naman ako hindi ba?"

"Huwag please..." Pagmamakaawa ko muli. Pero siguro, para na akong sirang plaka na paulit-ulit at mukhang desperada para hindi niya pakinggan at talikuran ako.

"I'm sorry." at naglakad na ito palayo sa akin hanggang sa hindi ko na siya nakita.


Patuloy ako naglakad, namanhid ang buong katawan ko at para bang sanay na sanay sa ganito. Inalala ko ang lahat ng nangyari habang magkasama kami kanina ni Andrei. Akala ko ba mahal niya ko? Akala ko ba hindi niya ako iiwan? Akala ko ba ipaglalaban mo ako kahit anong mangyari, tulad dati? Akala ko ba gagawin niya lahat?

Pero anong nangyari?

Sa patuloy ko na paglalakad at pumara ng taxi ay hinatid ako mismo sa sementeryo kung saan unang beses kong pupunta.

"Ma'am ayos lang ho ba kayo?" tanong sa akin nung driver. "Baba ko ho 'yung aircon para hindi kayo lamigin pa." saad nito.

Nakatulala lamang ako buong byahe at naramdaman ko na narito na ng bigla magsalita 'yung driver.

"Ma'am ito ho, payong para hindi na kayo mas mabasa pa." sabi nito at ibinigay ang payong niya. Nagpasalamat naman ako at napansing wala akong pambayad. Hindi ko alam pero mukhang napansin nung manong driver.

"Kuya pasensya na p-pero—"

"Hayaan niyo na ma'am, kung sakaling makasakay ko kayo muli ay bayaran niyo na lang ako. Sige ho at pasko na, paniguradong hinihintay na ako ng pamilya ko." Pagpapaalam niya at saka umalis.

Close As StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon