Chapter 19

35 7 0
                                    


"Ayan na, ayan naaa—aaahh! Sayang malapit na ko sa finish line eh!" frustrated kong sabi. Inulit ko ulit yung level 33 dahil nabubwisit na talaga ako, ang sakit nito sa bangs!

Todo focus akong tinatap ang phone ni Andrei dahil pag nawala ako sa timing ulit na naman. Nakikita ko na yung end at namamasa na 'yung kamay ko, grabe kinakabahan ako isa na lan—"Waaaaah! Anong ginawa mo?!" mangiyak-ngiyak na sabi ko.

"Let's go." Sabi ni Andrei, hindi ako gumalaw sa pwesto ko. Pilit kong sinisink in ang mga pangyayari! Geez, level 33 na ako sa Color Switch na 'yan tapos aagawin nya at worst isa na lang end line na ko at 34 na! Huhuhuhu.

"Uhh! Nakakainis ka Andrei ah! Alam mo namang naglalaro ako tapos kukuhanin mo ano bastusan?" inis kong sabi at nagpapadyak doon. Narealize ko din na tapos na pala yung signing nila.

"Now you're mad at me? Fvck that game!" Luh? So sya pa galit, aba hiyang-hiya naman ako.

"Psh. Tara na nga!" tumayo ako at ganun din sila, hindi ko na pinansin 'yung pagtawa ng mahina nina Lance at paulit-ulit pa sa pagsabi ng 'LQ' daw. As if naman!

"Ara—akala ko ba bibili ka ng sapatos mo?" lumingkis si Pia sa akin habang tinanong niya ako. Masama ko syang tinignan at, "Wala na ako sa mood Pia okay? Magpapabili na lang ako kay Nicko, umuwi na tayo." Bago kami umalis, dinaanan muna kami ni Manager at nagbigay ng ilang gamit ng 5G tapos sabi din doon muna nga daw kami kina Grans dahil nagprisinta naman si Pia. Bukas din naman aalis na ata kami. Hindi pa masyadong clear and sched.


ArzayleaRocks!! @realzaylea

He just ruined this whole thing! Bastard Jerk! Psh.

*tweet sent*


Pagkababa namin sumalubong yung amoy ng niluluto ni Ate Pearl amoy Chicken -.- naalala ko tuloy si James. *sighs*

Papasok na dapat ako pero nakarinig ako ng tawanan sa loob kaya mabilis akong naglakad. Nakita ko sila sa salas at nagkukwentuhan. "Omg, Bakit hindi ako inform?" sabi ko na syang nagpalingon sa kanila.

"Ate!" lumapit ako kay James at niyakap sya. "Namiss kita kapatid!" nakangiti kong sabi, hindi na ako badvibes promise.

"Hep Hep! Eh ako Ara?" @#%&*

"Yuck Nicko umayos ka nga dyan, papout pout ka pa, akala mo naman bagay." Parang pinagsakluban ng langit at lupa yung mukha ni Nick at natawa na lang kami ni James. Kasi 'yung totoo nagmumukha syang flappy bird himbis na cute. Tsaka hindi tumatalab 'yung paganyan-ganyan ni Nick, eeeewwww.

"OMG! Ang aking lalaking pinsaaaan!"

"Pia tone down your voice." Sabi ko at nilapitan ni Pia si James at niyakap. Nagkamustahan sila ni Nick habang ako aakyat na sana pero may humatak sa kamay ko. "What the? Bitawan mo nga ako!"

Dinala nya ako pataas, sa mismong kwarto ko.

Binitawan nya ako at seryosong humarap sa akin at sinabing, "You're mad at me."

"Obvious ba? naglalaro kasi ako tapos basta basta mo na lang inagaw. Ikaw pa mismo nag insist na ipahiram cellphone mo tapos aagawin mo. Nakakainis ka." Umupo sya sa harap ko at tumingin sa akin. Parang ang pabebe naman ng dating ko 'dun. Eh bakit ba, totoo naman, minsan na nga lang magseryoso sa ganung game aagawin pa nya.

"I'm sorry."

"Sabing ayoko makarinig ng sorry mo diba? Alam mo Andrei, okay na sana eh pwede mo naman sabihin ng maayos hindi yung hinahablot mo bas—"

Close As StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon