Chapter 5

63 10 3
                                    


Omg this iz it! Concert na ng 5G. About kagabi? Hindi ko na alam ang nangyari eh, pagka gising ko nakahiga na ako sa kama. Tinanong ko na si James pero hindi daw niya alam.

"Ma! Nasaan yung hoodie ko?!" sigaw ko dahil nasa kwarto ako at nasa baba sila.

"Nasa drawer mo lang yun!" sigaw din ni mama.

Nasa drawer daw eh di ko nga makit—"BINGO!"

Actually planado na talaga yung susuotin ko. All black lang ang peg namin ngayon ni James.

Nakahoodie ako na black na sa mismong shop ko pa nila binili. Ganoon din si James. We wear black skinny jeans na may butas sa tuhod and then black vans. Hahahaha.

I wear my eyeliners para mabigyang emphasis yung eyes ko. Oha!

Pumunta ako sa kwarto ni James,

*knock* *knock*

"James? Tara na baba na tayo."

"Ge nandito ko sa likod mo." Napalingon ako. Aba talaga naman!

"Hahahaha ang epic mo talaga palagi ate. Hahahahaha!"

"Tss. Di pa kita isama dyan eh. Natext mo na ba si Nicko?" tanong ko sa kanya. Yiee ang cute nung suot namin. Parang kambal lang, hahaha.

"Oo nga pala, Hindi sya makakapunta kasi si Tita Sonya nagpasama sa airport."

"Bakit naman? Ngayon na ba alis ni tita Sonya?"

"Siguro. Ano tara na?" sabi nya.

"Kain muna tayo, nagugutom ako." Napailing naman yung kapatid ko.

"Puro ka pagkain ate! May mga madadaanan naman tayo na Drive thru!"

"Oo na!" sabi ko. Nakakainis naman eh.

Pagkababa namin pumunta ako agad sa kitchen at kinuha yung bread na blackforest, tapos yung Lays pati yung Pepero ko! Hahahaha. Kumuha din ako ng soda.

"Saan na si Kuya Bert?" tanong ko habang tinatago yung mga pagkain ko sa bag ko dahil ang sama makatingin ni James. Inggit lang yan!

"Andyan na." Sabi ni James at pumasok na sa passenger seat.

ArzayleaRocks!! @realzaylea

Omg! Hi fam :] Who's goin' to concert? I'm on my way! #5GOnMNL @5G I can't wait!!

*tweet sent*

Medyo madami din ang nagcocomment whatsoever dun sa picture na pinost ni Andrei sa instagram nya at shinare pa sa twitter. Di ko alam kung nananadya o sadyang trip nya lang ba. Ewan! Naiinis ako sa kanya.

Nginangata ko lang yung pagkain ko hanggang sa nagstop kami sa Jollibee na drive thru.

"Oy order mo kong mga 3 extra large fries tapos cheese burger pati ice cream at extra large coke. Eto pera oh." Nag abot ako sa kanya ng 500.

"Ang dami mo ng pagkain sa bag mo bibili ka pa ate? Ibang klase ka din."

"Dali na bili ka na, anong oras na oh!"

Kumain lang ako at nagbasa sa wattpad ng mga kaechosan. Hahahaha, and finally we are here!

Whaaaaa. Ang daming tao.

Bumaba na kami ni James, all eyes on us.

What the fudge! Oo nga pala yung mga picture! Buti na lang at nakahoodie kami ni James kaya naghood muna kami.

Close As StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon