Chapter 36

14 3 0
                                    


"Stop smiling!" my brother told me. "Ate you look weird. Ano bang nangyari sa pinuntahan niyo?" he added, napansin ko ang frustration habang kumakain ng chocolates na pasalubong ko. "Kung bakit kasi hindi ako sinama!" pagmamaktol pa niya.

"Wala, bakit ka ba nandito sa office ko aber?" pero he just grin evilly at napakunot ang noo ko. "Come on, James!"

"Well, kuya Andrei called me and masaya din sya. Kaya nung nakita kita ate na nakangiti na parang tanga dyan, alam ko na kung bakit and of course yung pasalubong mo habol ko ate." Sabi nito.

"Wait, did I heard it right? You and Andrei had a call without me knowing?" nagtataka kong tanong. "Since when James?" I asked him.

"Simula nung iwan mo ate. Ako tiga-balita niya sa nangyayari sa'yo—oh wait lang don't hurt me ate isusumbong kita sa boyfriend mo sige!" naiwan tuloy sa ere ang kamay kong handa ng sapakin ang pagmumukha nitong kapatid ko. Hehe syempre joke lang 'yun. Edi mas makokonsensya lang ako kapag nagkataon. Nagsasapakan kami pero hindi totohanan.

"Okay, I'm so done with you James. Sino ba naghatid sa'yo dito?" sasagot na sana ito, ngunit biglang pumasok si Pia at Nick na ngayon ay nag-uunahan sa pagpasok at mabilisang niyakap ang kapatid ko. Mismong dito pa sa office ko nag reunion ang mga chararat!

"I miss you pinsan!" abot ngiting bati ni Pia. Habang si Nick ay nag'man hug kung tawagin. Napansin ng kapatid ko ang unexplainable smiles ni Pia kaya ininis ni James ito.

"Excuse me, kung mag-iingay kayo please lang sa labas! Marami pa akong ginagawa, can't you see?" nagtinginan ang tatlo at sabay-sabay lumakad palapit sa akin.

"Oh God, no. Huwag kayong lalapit!" and in a snap pinagkikiliti na nila ako. "Shoot no—hahahahahaha—hey!—James—hahahahahahaha—I hate you three—pfft." Tumgil sila sa kakakiliti sa akin at tumawa ng pagkalakas-lakas. "Thanks for ruining my dress Pia, James at is aka pa Nick!" ismid ko sa tatlo at aba todo tawa pa grrrr.

"Easy pinsan, tara gala tayo!" masiglang sabi nito at tumango naman si Nick. Tinignan ko sila ng are-you-joking-look it's just impossible okay? Ang dami ko pa kasing ginagawa. "Next time." Tipid kong sagot. Nagsimula na akong ayusin ang mga papels na nakalapag sa table ko. Galing ito sa ibat-ibang branch ng clothing line ko dahil dumarami ang pagtangkilik ng tao.

Nagsimulang mangumbinsi ang kapatid ko, "Ate please? Ngayon na nga lang ulit tayo aalis! Mag-iisang taon na simula nung last ata—laging ako mag-isa."

"James you have to understand—"

"Ara payagan mo na! Loosen up okay? Kakagaling lang natin kahapon sa Italy tapos pagkauwi dumeretcho ka agad dito. Tara na, gusto ko manood ng movie." Sabi naman ni Pia sa akin. Habang si Nick ayun at nakaporma habang ang mga kamay ay nasa bulsa. Taray!

Sandali pa akong nag-isip at napabuntong hininga. "YES!!!" sigaw ng tatlo at nagtatatalon. "Ang iisip bata nyo kahit kailan." Buti na lang naka dress din itong si Pia at talagang handang-handa. Sinagot lang si Niel nagmamaganda na naman.

"Hoy Ara Lea tigilan mo kakaisip sa kagandahan ko—tandaan mo lamang ka lang ng 1% sa akin." Inismiran ko lang ito at sumabay sa paglalakad nina James.

Pumunta kami sa isang mall as usual, no kiddie playground or rides kasi an awkward I'm wearing a formal dress so instead dito nga kami napadpad. People around us started to murmur, ugh here we go again! Pero si Pia, ayun at ngiting-ngiti pa.

Umangkla ako sa braso ni Nick at James, "Let's eat first, I'm hungry."

"Mamaya na! Manood muna tayo ng sine." Sinapak ko si Nick dahil sa sinabi niya. "Aray! Ito naman hindi na mabiro!" inirapan ko ito. Ha! Akala niya hindi ko napapansin pagiging tahimik niya? Hmmm mamaya ka sa akin.

We ate here in Jollibee, namiss ko 'to promise. "Bakit kasi tayo dito kumain? Pangbata masyado!" pagmamaktol ng kapatid ko. Well siya lang ata may ayaw dito, dahil marami kaming inorder at sagot ni Nick. Si Pia ay hindi siya pinansin, pinapak lang niya yung chicken dahil mabilis naubos ang kanin nito. Habang si Nick ayun at ang cheesy bacon ang pinagdiskitahan while me, don't ask dahil kalahati sa inorder ako ang kumain.

"Tigilan mo 'yan James. Ako kakain niyan kapag hindi ka pa kumain."

"What—ate ang timawa mo talaga."

"Yes I know kaya huwag mon a ipamukha okay? Kumain ka na dyan." At ang dalawang kumag tinawanan ako.

Ms. Peregrine's ang pinanood namin dahil bukod sa nabasa ko na 'to, well I love Asa Butterfield. Head over heals ako sa blue eyes niya. The story went well and may ilan na nabago like always naman nangyayari kaya wala ng pinagkaiba 'yun.

"So what are we gunna do now? I feel so bored." Pagsasalita ni Pia after namin lumabas sa sinehan. I just shrug. "Uwi na tayo?" suggest ni Nick. We agreed and sabi ko kay Nick makikisleep over ako sa kanila na naging lahat kami—mga inggetera talaga.

Naglaro lang kami ng xbox at nagulat ako dahil Sophia is here! Kung naaalala niyo yung kapatid ni Nicko? Ngayon lang umuwi, "Bakit di mo sinabi na umuwi pala si Sophia edi sana naisama natin." Bulong ko sa kanya. "Mahabang kwento—"

"I can listen sa mahabang kwento—may problema ba?" I asked him, nagaalala akong tumingin sa kanya. "Let's talk outside." Tumango ako at sinundan siya, sinenyasan ko na lang si Pia na bantayan si James at Sophia.

Sa may veranda kami pumwesto, naghanda siya ng ice cream dahil baka daw magutom ako ng di oras at alam niyang siya lang ang uutusan ko.

"So ano meron? Akala mo di ko napansin pagiging tahimik mo?" umiling-iling ito at ngumiti ng pilit.

"Hindi ko alam kung papano ko sasabihin kasi ang bigat sa feeling—itinago koi tong nararamdaman ko." Tumango-tango ako, alam ko na kung ano.

"May gusto ako kay Pia—at nung malaman ko na may ganun na eksena sa concert edi sana pala hindi na lang tayo pumunta. Shit na pag-ibig, magmamahal na lang ako sa may tali na. Kung bakit kasi sa una pa lang iniwasan ko na—pero wala rin naman akong magagawa kusang tumibok. Tumibok nga sobrang sakit naman, nahihirapan ako." Inihilamos niya ang palad sa mukha at nag-iwas ng tingin sa akin.

"Gusto ko sana umalis—magpakalayo-layo kaso iniisip ko paano ka? Eh hindi ka nga mabubuhay ng wala ako." Tumawa ito ng pilit at nararamdaman ko na ang pait sa bawat salita.

"Ngayon alam ko na ang feeling ng hindi kayo pero kailangan mag move on. Puta nakakawala ng kagwapuhan 'to—"

Hindi niya alam pero nilapitan ko siya at niyakap. "Huwag ka na magdrama dya best friend, alam ko simula nung nagkita ulit kayo ni Pia." Naramdaman ko ang pagstiff niya. "Alam ko nararamdaman mo dahil naranasan ko na 'yan. Buti after several months nasabi mo na sa akin—hinintay talaga kita."

"P—paano na gagawin ko? Alam kong hindi ako makakaalis." Nakangusong sabi sa akin.

"Hindi mo kailangang umalis dahil gagawin ko lahat para hindi mangyari iyon. Mahal na mahal kita kahit pangit ka dahil alam mong ikaw lang kasama ko sa lahat di ba? Kaya sasamahan kita kung aalis ka." Natawa kami dalawa sa sinabi ko.

"Para kang ewan, aking moment 'to inaagaw mo."

"Ang bakla mo na magsalita Nick kadiri ka. Ganyan pala epekto sa'yo ng matamaan ng ligaw na pana ni kupido. Tsk I pity you."

"Aba't talaga namang—" sinalpak ko ang spoon na nababalutan ng ice cream sa bibig ng matagil na sa kung ano ang sasabihin at muli ko siyang niyakap.

"Don't worry, hahanapan kita ng bago!" at mas sinamaan ako ng tingin.

--

Thank You for reading!

Happy 5 years of derping to my oh-so favorite punk rock band who happened also to save me. I owe you guys so much.

Close As StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon