Chapter 23

26 5 0
                                    


Pagkabalik ko galing sa kwarto ko, inabot ko na agad yung ice cream at tubig sa kanya. "*sniff* thanks pinsan." Tumango na lang ako at tinabihan sya.

Ngayon habang nakatingin ako sa harap ng laptop ko at phone ko hindi ko alam ang gagawin ko. Sinampal sampal ko 'yung pisngi ko. Geez, ano na gagawin ko? Naman eh!

"Pinsan magaling ka pala kumanta tsaka mag gitara. Ba't di ko alam 'yun? Kung hindi ka pa nagpost malamang hindi ko pa malalaman yun. Ang daya ah!" tinaasan ko ng kilay si Pia dahil talagang pinapamukha pa nya na nagvideo ako himbis na tulungan ako sa gagawin ko. Hindi ba niya nafefeel na ang laking problema ko 'to. Psh sabagay eh si Niel lang naman nasa isip niya eh.


"What?" sagot nya pa sa akin.

"Pa what-what ka pa dyan tulungan mo kaya ko kung ano na gagawin ko ngayon. If you only knew what I feel right now Pia." At napa-pangalumbaba na lang ako.

"Huwag mo na lang pansinin, kasi wala naman mangyayari o kaya naman pwede naman na video ka na lang ulit. Gusto ko 'yung Roses naman ng Chainsmokers or Purpose ni Justin or hmmm Ah! Yung I'm a mess ni Ed sure akong papato—" nabatukan ko ng di oras si Pia. Naman eh -.-

"Ito naman grabe ka sa akin. Suggestion lang Ara Lea."

"Suggestion? Gandang suggestion ah." Inirapan ko si Pia habang pinapanood nya ulit 'yung ideo ko.


ArzayleaRocks!! @realzaylea

I AM A MESS RIGHT NOW! #frustratedaf

*tweet sent*


Mga ilang seconds pa at nakareceive na naman ako ng notifs. Hindi na ako nag-abala buksan 'yun dahil sure ako na bash na naman ang laman.

"OMG pinsan look oh, naka abot ako ng 3.1k na favorites kasi kasama kita sa photo." Mas nadagdagan lalo ang inis ko sa pinakitang tweet ni Pia sa tabi ko.


PIA @pialoves

My pretty cuz is so busy right now

*insert photo*

*tweet sent*


"Pia naman, bakit mo naman naisipan na magpost at talagang sinama mo pa ako ha. Goodluck na lang sa'yo dahil sure akong madadamay ka sa problema ko at mabubunyag lalo sa fans na mahal na mahal mo si Niel at ibabash ka nila na desperada o kaya naman ginagamit mo lang ako para mapalapit sa 5G." mahaba kong litanya habang nakatingin sa kanya na nangingilid na naman ang luha.

"Pinsan hindi naman totoo 'yun eh. Gusto ko lang naman na kasama ka sa pho—photo."

Napailing na lang ako ng tuluyan, "Sabihin mo sa akin 'yan kapag hindi nangyari ang pangbabash sa'yo." Tumayo ako at lumabas ng kwarto para kausapin ang 5G sa pag-alis naming ngayong araw.

"Guys!" sigaw ko ng makababa ako, napatingin sila sa akin at ako naman ay umupo sa isang bin bag.

"So... susunduin tayo ng van by 10 am kasi next natin ay sa Rizal tapos sa Laguna at ang last top natin ay sa Tagaytay. Then after that byaheng New York na kayo." At tumango tango ako habang sinasabi iyon sa kanila.

"Wait—you mean pagkabalik namin sa New York for another tour eh hindi ka na kasama?" tanong ni Darwin.

"Lucky yes. Malalayo na ako sa inyo, at syempre may peace of mind na rin ako." Natahimik naman sila sa sinabi ko. Wag niyo sabihin ma-mimiss nila ang kagandahan ko. Pfft—hahahahaha.

Close As StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon