Chapter 21

33 6 0
                                    



"A—Ara, kanina ka pa ba dyan?" napabalik ako sa anyo ko ng marinig ko si Nicko na nagsalita. "Hindi actually kakarating ko lang, wala naman akong narinig sa pinagusapan nyo eh."

Biglang naningkit ang mga mata ni Nick, "Weh? Totoo? Bakit mo nalaman na may pinag-uusapan kami? Aha! Chismosa ka na ngayon ha Ara?" grabe sya! Eh wala naman talaga akong narinig.

"Magtigil ka nga. Dapat ako ang magtanong kung bakit kayo nandito sa kwarto ko eh." Si Nick naman ngayon ay napakamot sa ulo. "Oh? Nga-nga ka lang? Tapos 'yung tubig ko hindi mo naman binigay! Paasa ka din eh." Lol, ano ba sinasabi ko? Nakita ko naman na nagsmirk si Nick at tinignan si Andrei na nakikinig pala sa amin.

"Bakit mo naman nasabi na paasa ako? Hindi naman kita pinaasa ah!"

"Eh ano tawag mo sa ginawa mo? Ganyan naman kayong mga lalaki eh. Ang hilig magsabi ng promise hindi naman natutupad!" *evil laugh* napailing na lang ako sa pinag-iisip namin ni Nick. Infairness din naman na, nakikisama 'to.

"Ang problema kasi sa inyong mga babae masyado kayong mga assuming—"

"Hoy hindi ako assuming. Kasalanan nyo dahil nagbibigay kayo ng mga motibo. Kainis 'to." Right, people?

"No Ara, hindi mo naiintindihan. Kami kasing mga lalaki," iminuwestra pa nya ang kanyang sarili para bigyang diin 'yung pagiging lalaki niya. "...may isang salita. Pero minsan kasi yung isang salita namin eh iba na pala meaning sa inyo." Pageexplain pa lalo ni Nick. Ano kaya 'yun parang ewan may isang salita pa na nalalaman -.- kaya di umuunlad Pilipinas eh puro isang salita kulang naman sa gawa!

Tsk, pero knowing me, ha! I totally disagree. "Isang salita? Meron nga akong kilala eh, kaisa-isang pinanghawakan ko kaso hindi naman pala totoo. Alam ko na 'yang mga ganyang style. Kaya sorry na lang kapag ka ang isang Arzaylea na ang tinapatan mo." At tsaka ko tinap ang kaliwang pisngi ni Nick.

Bigla naman tinanggal ni Andrei 'yung pagkakahawak ko sa pisngi ni Nicko. Ano naman problema nito? Naiinis pa nga ako kasi 'yung mga fans nya grabe sa akin. Wala naman akong ginagawa. Hinatak ako ni Andrei palabas ng kwarto ko at narealize ko na dumaan pala kami sa likod ng bahay papunta sa garden ni Grams.

"Teka nga lang, ayan ka na naman eh nanghahablot ka na lang ng braso basta-basta. May braso naman kayo, pero bakit paborito niyo hatakin iyong akin. Tigilan mo ko Andrei at wala ako sa mood ha." Tapos ngayon, tatayo lang sya sa harapan ko. Hindi man lang magsalita.

"Bakit ba hinatak mo ko dito? Ano narealize mo ba na mali pala yung desisyon mo?"

"Hmmm, wait mukhang ako pala yung may mali na nasabi, mali na sinabi kong let's give it a try. Sabagay, mukhang pinaglalaruan mo lang naman talaga ako. Pagod na rin naman akong masaktan tsaka huwag kang magalala hindi naman talaga kita maha—"

May malambot na kung ano ang nasa labi ko. Asdfytewqe! Gusto ko siyang itulak pero parang hindi ako makagalaw sa pwesto ko at shit first kiss ko sya! Oo tama, nakadilat 'yung mga mata ko pero nakapikit 'yung kanya! Feeling ko hindi ako makahinga—mali—hindi pala talaga ako makahinga—

"FOR HEAVEN's SAKE ARA! WAKE UP!!" isang sigaw nakapagpabangon sa akin. Sapo-sapo ko ang dibdib ko at tinaptap ito. Kainis literal pala talaga na hindi ako makahinga! Nakakaiyak.

Lumapit sa akin si Andrei at naka iwas akong tumingin sa mga mata nya. Holy cheesecakes hanggang panaginip ba naman sinusundan ako? Gusto ko tuloy masuka sa nangyari sa panaginip ko. Walang hiya talaga, di ako makakamove on nito eh—"Drink this first. Hey you okay?" medyo nanigas ako ng kapain nya yung leeg ko. Naramdaman naman nya iyon kaya umalis na rin siya.

Close As StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon