Chapter 2

80 9 0
                                    



Sa mga oras na 'to hindi ko lubusang maisip na si Andrei as in Andrei Esguerra the Great ng 5G is here.

Tinanggihan ko yung pagoffer nya ng kamay at tumayo ng maayos. "Yes I'm okay. Thank you anyway." Kaso ang bumagabag sa akin, Yun na talaga yun? I mean, yes thanks sa pagoffer nya ng kamay at tinanong ako pero di nga? Di nya ba ako namukhaan? Wag assuming Ara masasaktan ka lang. Everything changed okay? Note that.

Binaling ko yung tingin ko kay James na nakangisi. 'What?' I mouthed kay James.

"Ah kuya magkano po yung VIP?" tanong nung kapatid ko. Hindi ko masyado magets yung sinabi dahil sa sobrang ingay pero binulungan nya ako.

"Ate 13,210 daw isa. Ano game ka pa?" bulong sa akin ni James. Ubos ang pera ko. Ang mahal. Ganun na ba TF nila? Nag-aalinlangan ako kung bibili pa ako or hindi na. Sayang kung hindi. Pero mas sayang kung hindi ako pumunta. Eeeeeeh----

"Miss ano ba! Bibili ka ba o hindi. Madami pa kami ang pumipila hindi lang ikaw pakibilis."

Okay whatever you say. Sana hindi dumating sa point na magsisisi ako. "Oh. Alam mo naman yung pass dyan sa credit card ko. Sige doon muna ako. Hihintayin kita. Ang ingay eh."

Tumango na lang sya at nakangiting humarap kay Andrei na ngayon ay busy kakangiti. Ang hirap siguro ng ganyang feeling. Okay wala akong paki.

Kaya agad-agad akong nagtweet.

ArzayleaRocks!! @realzaylea

HE JUST ASKED ME IF I'M OKAY!! Lol. Di ako affected -__- Anyways, @5G is here. OMG can't believe it tho. :D

*tweet sent*

After kong magtweet mga 10 favorites lang at 4 retweets lang ang inabot ko. Okay enough with the fangirling. Nafefeel nyo ba nararamdaman ko? Parang may nakatingin sa akin. Luh? Echos ko lang yun.

Mabilis din naming natapos yung pagbili ni James ng ticket. "Spaced out ka nanaman. Ano na?"

Sinamaan ko sya ng tingin. "What?" sabi pa nya.

"Anong what ka dyan. Akin na yung ticket natin dali."

"Walang bawian 'to naman!" sagot nya sa akin.

"Di ko babawiin. Pipicturan ko lang. Wag maarte, ako gumastos." Sabay lahad ko ng kamay ko habang yung isa ay hawak ang cellphone ko.

Binigay naman nya at pumunta na kami sa Jollibee. Kaya pagkaupo ko pinicturan ko agad at nag tweet.

ArzayleaRocks!! @realzaylea

Say what! Ha. Got these 2 VIP tix. Best day ever with James-xx

*tweet sent*

Nagpicture pa ako kasama nung VIP ko at nagtweet ulit.

ArzayleaRocks!! @realzaylea

I must say this tixx are worth it. See you soon @5G @Lance5G @Niel5G @Darwin5G @Marky5G #5GONMNL #FAM

*tweet sent*

Inisip ko kung isasama ko pa si Andrei but I chose not to. Ayos lang naman siguro. Besides hindi naman ata sila nagbabasa ng tweets nila lalo na paggaling lang sa fans nila. Nakakahurt pero sanayan lang talaga. Syempre diba as a fan lahat ng sakit mararamdaman mo. Nandyan nga sila pero ang hirap naman abutin.

Right after dumating na si James dala-dala yung mga foods namin. Hashtag MedyoGalanteSiJames first time kaya sulitin.

"Nga pala kanina nung nag-offer sa'yo si Andrei ng kamay bakit di mo tinanggap? Crush mo sya diba?" Out of the blue'ng tanong ni James.

Close As StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon