Chapter 34

11 2 1
                                    


PIA's

Kinanta nila yung mga originals at mga covers at sinasabi kong sobrang galling parin nila. I'm looking at Niel and I'm a lil bit sad kasi I don't know kung pinapaasa niya lang ako. Alam kong nakatingin sya sa akin—or hindi? It's so hard to be on my part, kasi baka mamaya nag-a'assume ako. Of course that will hurt so damn much. I looked at my cousin, Ara halatang kinakabahan siya pero napansin kong medyo nangingilid 'yung luha niya. Her eyes says it all.

Hindi ko masabi kung mag-eenjoy ba kami or hindi. Knowing kasama pa namin si Gerald. Hindi ako mapakali sa seat ko.

Nagkaroon ng question answer and still tuluyan na akong nawalan sa mood. Nagiba na atmosphere nung tinanong si Niel. May rumored girlfriend daw siya at it stabbed my heart. Hindi ako makaimik sa sinagot nya dahil inaamin niya nga na meron. How could him. I was—yes I'm inlove with him, and he fucking knows that! Sana, sana pala hindi ko hinayaang ipasok siya sa buhay ko simula nung pumunta sila sa bahay namin sa Bulacan kasama sina Grans.

Hindi na ako makatiis, "Can we leave now?" bulong ko kay Nick. May kung ano sa kaniyang mga mata at alam kong naaawa siya sa akin—sa amin ni Ara. He hesitate first but he just sighed. Hindi ko na nalaman yung flow 'nung sound check, and some other fans had this question in their eyes kung bakit tumayo kami at umalis. Inaamin kong napatigil ang 5G and I saw Darwin asked for break pero hinindian sila ng manager.

"Piaya, ayos ka ba? Nag-aalala ako sa'yo." Nagulat ako sa biglaang paglapit ni Ara sa akin. "Ano ba 'yan Ara lea, syempre naman ayos lang ako. Baliw 'to." Masigla 'kong sabi sa kaniya.

"Tigilan mo ko, alam ko relasyon niyo ni Niel. Halika nga dito!" she hugged me at ibinalik ko 'yon. Pigil kong inalis sa isipan ko ang mga wala sa lugar na expressions. "Ang hirap pala nito pinsan, parang sinaksak ako ng paulit-ulit."

"Ayaw mo kasi maniwala sa akin ayan na nga ba ang sinasabi ko. Hayaan mo, hindi ko na hahayaan 'yun." Tumango-tango ako at nagderecho sa isang bench malapit sa concert grounds.

Saka na lamang namin napagtanto ang nasa gilid namin na taking-taka. Nilayuan ko si Ara and without no choice napabuntong hininga siya tulad namin ni Nick.

"Finally, tapos na ang dramahan ng dalawang dyosa." Nanlalaking tinitigan ko siya at heck inirapan lang ako. Bakla pala ang lolo niyo!

"Gerald, alam kong alam mo kung sino ako at ano ako—kami sa buhay ng 5G. I hope you won't mind pero sana naintindihan mo. Tell us whatever you want to say, ayos lang. Sanay na kami sa ganoon, pero please—"

"Ano bang sinasabi mo ate girl. Alam ko naman 'yun, and fan mo rin ako don't me. Pero sayang gusto ko makita si fafa Andrei maghubad kasi naman hindi natin tinapos na sound check! May M&G pa 'yung ticket ko." Sinamaan naman siya ng tingin ni Ara. Alam na this mga beks. Hindi ko na inintindi pa ang nararamdaman ko, tsaka na, dahil alam kong maiiyak lang ako at mababawasan ng 5% ang beauty ko. Nagtawanan kami and nagpahinga ng ilang saglit habang kumakain, na ipinabili pa ni Ara sa bestfriend niya.

Pero sa gitna ng pagkain at pagku-kwentuhan, may lumabas na mga guards at nakita ko si Kuya Dave, ang personal body guard ng 5G. Hindi naming namalayan na nakalapit sila sa amin at kasama nito si Manager at Andrei.

Napatayo ang lolo Gerald niyo dahil deads na deads siya sa lalaking nasa harapan namin. Binati namin si Manager at nakipag beso sa kaniya at kay Andrei. "I expect to see you guys here, so I guess dapat you should be with us." At itinuro ang likod na daanan. Kapansin-pansin na walang fans dito sa kung saan kami nakapwesto.

Pinauna kami pero naalala ko si Ara, naiwan siyang kasama si Andrei. "Nick, teka si pinsan—we shouldn't leave her—" pero tinignan lang ako at iminuwestra sa pagsunod sa manager.

Iniwan kami sa dressing room, at kasama na namin ngayon ang 5G well except Andrei and Arzay. Lance, Darwin and Marky greeted me and I of course hugged like what I always do everytime na batian. I smiled sweetly and nakipagkwentuhan gayundin si Nicko at ipinakilala si Gerald na apura ang hawak sa kamay ng 5G at hindi matawaran sa pagkuha ng picture.

Nag-excuse ako at sinabing pupunta sa comfort room so I went out pero sa paglabas ko hindi ko inaasahang manikip ang dibdib ko. Kinagat ko ang pangibabang labi ko at ibinaling sa iba ang paningin. Napaawang lamang ako nang hawakan niya ang kamay ko. May kung anong kirot ang bumalot sa kabuuan ko.

Pilit kong inialis ang pagkakahawak niya at masyado itong mahigpit. Nasasaktan na ako! "Pia please listen to me."

Bumuhos ang mga luhang hindi ko inaasahang bumagsak ng biglaan, leche naman sa sobrang wrong timing. "Let me go." Hindi nawala ang pag-garalgal ng aking boses. "Please—not now Niel—please." Nakikita ko sa mga mata niya ang pagsusumamo at may kung anong sakit ang mababasa doon.

"No we should talk, ngayon na lang kita nakita Pia."

"I don't know why am I acting like this—hindi naman tayo pero bakit ganito 'yung nararamdaman ko." Pilit niyang inaabot ang aking kamay habang lumuluha, bakit ba makainarte lang dahil this is what I deserve.

"Pia you don't get it—"

"I don't what Niel—you are telling me I don't get it? Huwag kang talk shit sa harapan ko Niel. Patay na patay ako sa'yo at hindi ko ikinakahiya 'yun pero sa iniaasta mo ngayon nagsisisi na ako. I was wrong, maling-mali ako." And just like that, nag walk out ako dahil bukod sa sobrang sakit na—naiihi na ako!

Pagbalik ko sa dressing room, abot abo tang kaba na naramdaman ko. Buti na lang at nandoon na si Ara at tahimik dahil katabi niya si Andrei na nakahawak sa kamay nito. Napataas ang kilay ko sa nasaksihan.

Ilan pang minuto ay pinalabas na kami para sa meet and greet na iniiri ni Gerald kanina pa.

"Mga bes, I'm gunna die! I'm gunna die na!" tiling tili at tawa ng tawa hindi aakalain na mangyayari ang ganoong eksena.

Dala-dala ko ang bago nilang album na kabibili ko dito sa merch, kaya inilabas koi yon ang mga posters na binili ko rin at ipinapirma. I did my vlog again, kaya habang pinipirmahan ay nakavideo ito. Nang ilabas ko na ang poster ay doon lang napagtanto na puro pictures ito ni Niel. Nakailang sampal ako sa sarili, dahil si Niel na ang nasa harap ko. Awkward.

Pero tulad ng inaasahan, pilit niyang hinahawakan ang kamay at paulit-ulit sinasabi na mag-e'explain sya. Kaso masyado akong nagmamaganda at hindi gusto marinig ang pagsusumamo niya. Ako ang mali, dahil ako ang nag-assume. Bakit ba hindi ko inisip iyon? Bakit ba umasa ako sa mga pa'message message niya sa facebook and dm sa twitter. Bakit ba hindi ko itinatak sa isip ko na wala lang ang mga pinapakita niya at simpleng pagcomment sa Instagram ko?

Sa dinami rami ng lalaki na nagustuhan ko at minahal ko bakit si Niel na isang sikat at mahirap maabot?

Hulin na ng mapansin ko ang fan na nasa likod ko na kanina pa ako pinapaalis. Dali-dali ko kinuha ang mga gamit na ipinapirma ngunit sa pagdampot ko ng cd ay ibinulong niya ang mga salitang sapat na para himatayin ako. "Will you be my girlfriend?"


---

Thank you for reading! I dedicate this to my Papi Michael. I love you Kitten :) all the love.

Close As StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon