Kamalditahan 003

3.4K 107 20
                                    

Xavier

Laring: Kain ka na! Baka mamatay ka pa! Ano bang nilalang ang tinitignan mo?!

Nasa canteen sila ngayon. Kumakain at kanina pa silip ng silip si Grace sa hindi alam na hayop at sadya namang naiirita sa paglalak ng pagkain si Laring.

Grace: Yung crush ko! Ikaw naman! Wait lang!

Tumingin si Laring sa kung saang dako nakatingin si Grace at nakita niya ang tatlong lalaking naglalampungan sa hindi malaman na dahilan.

Laring: Sino sa mga badjao na yan?!

Grace: Grabe! Makabadjao, wagas!

Laring: Ea anong tawag mo sa kanila?! Jejemon?!

Grace: Hinde! Ang gwapo kaya nila! Pangk-pop yan! Pang k-pop ang suot at porma nila!

Laring: Oo nga. K-pop. Kpopanget!

Naging seryoso ang mukha ni Grace at hinarap si Laring.

Grace: Larissa Aglico, nagkalove life ka na ba o kahit crush man lang?

Biglang tumahimik ang maldita at pagkatapos nun ay tumango-tango si Grace.

Grace: I see. Kaya pala ang bitter mo teh!

Kumain lang ng kumain si Laring at hindi niya tinitignan si Grace at nang walang ano ano ay bigla na namang nanggulo si Grace sa kumakain na maldita.

Grace: Syete! Ang gwapo talaga niya! Kyaaa!

Pagkatapos niyang sinabi yun ay tumili ng tumili si Grace at pinagtampal tampal si Laring at mukhang nabwiset naman ang maldita.

Laring: Ano bang pangalan niya?!

Grace: Xavier. Yung matangos ang ilong na maputi at medyo kababa pero ang gwapo at cool parin. Xavier ang pangalan ni fafa loves. Hihihi.

Tumigil sa pagkain si Laring at pinuntahan niya ang kung sino mang lalaking gustong gusto ng malandi niyang kaibigan.

Grace: Larissa Montesilva!

Laring: Hoy badjao slash Xavier na gwapo daw kamo ea konti lang naman ang sinalong kagwapuhan! Patigilan mo nga ang babaeng yun baliw na baliw sayo ng makakain ako ng maayos.

Sabi ni Laring at itinuro ang upuan nila ni Grace kanina. Pero wala na si Grace sa lamesa kaya nabadtrip si Laring dahil sa tawa ng tatlong lalaking kaharap niya.

Xavier: Hi! Xavier nga pala.

Pagkatapos sinabi ng lalaking yun ay inismiran lang ni Laring ang mga badjao at umalis na. Natulala naman ang tatlo sa ginawang pagiismid ni Laring sa kanila.

Reyna ng Kamalditahan (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon