Kamalditahan 044

1.1K 33 0
                                    

Grace's Confrontation

Abegail: Hey girls! Pasok kayo.

Laring: Hello po, Tita! Nandyan na po ba si Grace? Kaibigan niya po kami.

Ray: Pasok kayo. Pasok muna kayo, mga hija.

Sinunod naman ng tatlo ang sinabi ng parents ni Grace. Nagbless lang sila sa dalawa at tuluyan nang pumasok sa mansyon.

Abegail: Nasa'n pala si Grace? Btw, I'm Abegail Maniago. Mommy ni Grace. And this is her father, my husband, Ray.

Nakipagshake hands lang ang tatlo sa parents ni Grace atsaka umupo sa sofa dito sa napakalawak nilang sala.

Asha: I'm Asha po, Tito and Tita.

Lexi: Lexi po.

Laring: At ako naman po si Larissa. Kaibigan po kami ni Grace.

Abegail: Nice meeting you three. Paghahanda ko lang kayo ng makakain, mga hija.

Tumango lang ang tatlo at umalis na si Abegail at pumunta sa kusina habang hinarap naman ni Ray ang tatlo.

Ray: Nasaan nga pala si Grace?

Laring: Hindi nga po namin alam ea. Bigla nalang nagpaalam sa amin kaya naisipan po naming pumunta dito para malaman kung may problema ba siya.

Ray: Ngayon lang naging masaya yan sa kanyang pag-aaral. Wala siyang matino at tunay na kaibigan noon. At ngayon ko lang siya nakitang naging masaya at pursigido sa pagpasok sa paaralan araw-araw. At alam kong dahil sa inyo yun. Padalos-dalos ang anak kong iyon. Hindi siya nakakapag-pasya ng maayos para sa sarili niya. At lagi niyang inuuna ang kasiyahan ng iba kaysa sa personal na pangangailangan niya. Kaya sana. Sana kahit ano mang mangyari. Kahit anong kaharapan niyang problema. Huwag niyo siyang susukuan. Biglang kaibigan, huwag niyo siyang bibitawan. Ayoko nang makita ang anak ko na halos gabi-gabing umiiyak at depressed dahil sa kawalan ng tunay na kaibigan. Yun lang ang hiling ko sa inyong tatlo. Huwag na huwag niyo siyang iiwan.

Napangiti nalang ang tatlo atsaka nagsalita si Laring.

Laring: Huwag po kayong mag-alala. Kahit lagi namin siyang inaasar dahil sa baba niya, ay mahal na mahal parin namin yun. Pangako po namin na hindi po naman siya susukuan, Tito Ray.

Natawa nalang si Ray at napapunas nalang ng mga mata dahil napakasaya niya na nakahanap narin ng mga tunay na kaibigan ang anak niya at sigurado siyang si Laring, Asha at Lexi ang mga yun.

Kumain lang sila at nagkwento-kwento tungkol kay Grace at nakisawsaw narin sina Akisha at Lance na kapatid ni Grace.

Abegail: Mga hija. Iwan na muna namin kayo, ah. Nandyan na pala ang anak ko. Lance, Akisha. Go back to your rooms.

Lance: Nice meeting you, Asha.

Kinindatan naman ni Lance si Asha at napangiti lang si Asha.

Akisha: Ate Lexi! Wahhh! You are the best! See yah when I see you! Bye na muna!

Nagpaalam lang si Lance at Akisha sa tatlo atsaka pumasok na sa kani-kanilang mga kwarto. Pumasok naman sa library si Ray at nagsimulang magluto si Abegail sa kusina.

Sinalubong naman ng tatlo si Grace sa gate ng mansyon nila.

Laring: Hey, Grace!

Grace: Don't touch me!

Napaurong nalang bigla ang tatlo kay Grace. Sa inasal ni Grace. Natawa nalang si Laring at hinarap si Grace.

Laring: If you're trying to joke. Well, it's not funny, Grace.

Grace: I'm not joking Larissa. Please. Just stay away from me.

Tinabig lang ni Grace sa balikat si Laring atsaka lumakad pero mabilis na hinila paharap ni Laring si Grace atsaka ito sinampal ng pagka-lakas-lakas.

Laring: Come back to your senses, Grace!

Grace: What the fuck?! Ano bang pake mo?!

Asha: Grace, Laring. Tama na.

Naiiyak na si Lexi sa nangyayari pero pinipigilan niya ito. Ayaw niyang makita ang dalawa sa ganyang sitwasyon.

Napabuntong hininga si Laring at hinarap si Grace.

Laring: Look, Grace. This is not funny, really. So stop all your shits and tell us your fucking problem!

Napalakas na ng boses si Laring pero buti nalang ay malayo na sila sa loob ng mansyon kaya walang kaalam-alam ang pamilya niya sa kung anong nangyayari.

Grace: Ayaw ko na! I'm sick of being with you, stupid losers. So please, leave me alone! Just forget about me and live your life to the fullest. Leave me.

Nasampal na naman ni Laring si Grace.

Laring: Tell me your joking, Grace.

Sinampal ni Grace si Laring at ngumiti. Pagkatapos ay sinampal niya ulit ito.

Grace: I'm not joking, Larissa. Bullshit! Just leave my damn house!

Napalakad nalang palayo si Grace papasok sa kanilang bahay pero nagsalita ulit si Laring.

Laring: So ganun na lang yon? Lahat ng pinagsamahan natin, wala lang yon, Grace? Please, it hurts like hell. Knowing that you're abandoning us without any reason! Come to your senses! Hindi ka pa nag-iisa! Nandito kami!

Nagpamewang lang si Grace at nagsalita habang nakatalikod sa tatlo.

Grace: Wala tayong pinagsamahan. Wala. Walang meron sa ating apat. Wala. Kaya magsama kayo at iwan niyo ako dahil ayaw ko nang makisama sa mga hampaslupang katulad ninyo.

Nagpatuloy siya sa paglalakad pero nagsalita na naman si Laring na ikinatigil na naman niya.

Laring: Everything is going to be alright, Grace. Maybe not today, but eventually. Iniwan mo kami pero tandaan mo. Hindi namin susukuan ang pagkakaibigang meron tayo.

Tumalikod ang tatlo sa dalaga at kasabay nun ay ang pagsisimula ng pagpatak ng mga tubig mula sa mga mata ni Grace.

Reyna ng Kamalditahan (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon