Kamalditahan 035

1.1K 37 0
                                    

New Lexi

Lexi: Wow. Ako ba talaga 'to?

Nabigla nalang sa pagharap ng salamin si Lexi. Nandito siya ngayon sa isang salon kasama si Grace at Asha. Umagang-umaga ay binulabog nila ang salon na pagmamay-ari ng pamilya ni Asha.

Grace: Woah! Ganda mo, Lexi! Huhuhu. Buti pa ikaw!

Asha: Gorgeous!

Napangiti nalang ang tatlo habang nakatitig parin sa salamin. Nakablack contact lense, may kaunting lipstick, at curly na buhok. Shorts sa pang-ibaba at long tee sa pang-itaas at isama pa ang simpleng heels na suot niya. Napakaganda nga talaga niya. Mula sa laging mahabang palda at malaking damit ang suot isama pa ang buhaghag na buhok at napaka-kapal na salamin. Ibang-iba sa dating Lexi.

Asha: Let's go, guys! Naghihintay na nyan si Laring! Thanks sa pag-aayos sa kanya, Tita! Gotta go!

Nagpaalam lang sila sa mga nag-ayos kay Lexi at paglabas nila sa salon ay biglang natapilok pa si Lexi pero tinulungan naman ito ni Asha at Grace.

Asha: Careful.

Napangiti nalang si Lexi at sumakay na sila sa sari-sarili nilang sasakyan papunta sa bahay ni Laring.

Laring: Sino yang kasama niyo?

Asha: She is Lexi. The new Elshyn Lexi Gorostiza.

Napanganga nalang ng literal si Laring. At ilang minuto lang ay niyakap na niya ito.

Laring: Omg! You are so fabulous, Lexi!

Kumalas naman si Laring sa pagkakayakap niya kay Lexi atsaka tinignan pa ito mula ulo hanggang paa. Pagkatapos nun ay bigla niya itong tinampal sa braso.

Laring: Sa susunod. Wag mong pakaganda. Natatalbugan mo na ako ea!

Napangiti nalang si Lexi at napayuko. Pero hinawakan lang ni Laring ang baba ni Lexi at itinaas ito.

Laring: Ang isang maldita, laging naka-chin up. Hindi dapat mawala ang poise sa katawan kahit anoman ang ginagawa nyan. Pasok kayo.

Tuluyan na silang pumasok sa loob ng bahay ni Laring at sa kasamaang palad ay natapilok na naman ulit si Lexi pero mabilis naman itong tumayo atsaka ngumiti. Napatawa nalang ang tatlo at tuluyan nang pumasok sa loob ng bahay nila.

Reyna ng Kamalditahan (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon