Kamalditahan 039

1.1K 36 0
                                    

You did it, Lexi! Finally!

Laring: Your feelings, Lexi. Don't forget the kind and good-hearted you. Wag na wag mong kakalimutan kung ano ka dati. Yung mabait, malambot ang puso, maaalalahanin at mapagmahal na Lexi, wag mong kalimutan yun. Lalo na sa ate mo. Please lang, wag mo siyang kamuhian. Itinuro ko sayo ang lahat ng 'to, hindi para maging kang masama. Ibinahagi ko lahat ng 'to sayo para matuto kang lumaban para sa sarili mo at para hindi ka na apak-apakan ng iba. Sana naiintindihan mo at sana hindi mawala ang Lexi'ng nakilala ko na napakabait at napaka-mapagkumbaba. Arraseo?!

Napangiti nalang si Lexi at napatulo narin ang mga luha niya pero mabilis niya itong pinunasan.

Lexi: Aracchi!

Nagyakapan na silang dalawa atsaka nakisama narin sina Asha at Grace. Ilang minuto lang ay kumalas na silang apat sa pagkakayakap at nagsalita naman si Lexi.

Lexi: Thank you, Larissa.

Laring: Laring nalang. Yun yung tawag nila dati sakin nung nerd pa ako. Pero ngayon, close persons nalang tumatawag sa akin nyan. Like what I said earlier, hindi ako nagbago. Naging better lang ako. Ako parin si Laring dati na may soft side at may mabait na part pa rin naman sa pagkatao ko.

Natawa nalang si Asha at Grace at napangiti nalang si Lexi.

Lexi: Ok. Thank you, Laring.

Asha: Drama niyo! Kain na tayo, Laring! I miss Tita Leynah's recipes!

Sabay-sabay na silang bumaba at kumain. Pagkatapos nilang kumain ay nag-stay muna sila ng ilang oras sa kwarto ni Laring at pagkatapos nun ay umuwi na ang tatlo sa kani-kanilang bahay.

At habang nagda-drive ng kotse si Lexi ay may tinawagan siya sa cellphone niya. Ang tita Autumn niya, pinakamayaman at may pinakamalaking clothing line sa buong asya.

Lexi: Hey, tita! I want some new uniform. Please? Kukunin ko bukas, tita. Is it okay?

Tita Autumn: Sure, baby. Magpasukat ka muna.

Lexi: Ok, tita. Pupunta ako dyan later. Thanks.

In-end na ni Lexi ang call at nag-drive na pauwi sa bahay.

Lizzy: Hey, little sister.

Tinignan lang ng napakalamig ni Lexi si Lizzy pero sa kaloob-looban ni Lexi ay kinakabahan na talaga siya.

Lexi: What?

Lizzy: What have you done, Lexi?!

Lexi: Well, nag-ayos lang naman ako sa sarili ko. Pero maganda na talaga ako dati pa. Hindi ko lang talaga ipinapakita.

Naiinis na si Lizzy pero binigay lang ni Lexi sa kanya ang killer smile na tinuro ni Laring sa kanya.

Lizzy: Remember this, Lexi. Hinding-hindi mo ako mapapantayan.

Sarkastikong natawa si Lexi at tinignan ng napakasama si Lizzy.

Lexi: Hindi talaga kita mapapantayan. Dahil nahigitan na kita.

Lizzy: How dare you?!

Akmang sasampalin na ni Lizzy si Lexi pero napigilan naman ito ni Lexi na ngayon ang nakahawak na sa braso ni Lizzy.

Lexi: Hindi na ako ang dating Lexi, ate. Hindi na ako si Lexi na nagpapa-api nalang ng paulit-ulit. Iba na ako. At pasalamat ka dahil may galang pa ako sayo dahil ate parin kita. Pero tandaan mo, ang mga mababait, grabe kung magalit.

Binitawan ni Lexi ang kamay ni Lizzy atsaka nagwalk out. Pumasok siya sa kwarto niya atsaka humiga sa kama.

Natulog siya saglit at pagkatapos ay pumunta na siya sa tita niya para magpasukat ng bagong uniform.

Nagsuot siya ng ripped jeans sa pang-ibaba at simpleng t-shirt sa pang-itaas atsaka na umalis ng kanilang bahay.

Lexi: Hi Tita! I miss you so much!

Tita Autumn: Me too, Lexi! You look gorgeous!

Lexi: I know, right?

Nagtawanan nalang sila at pumasok na sa loob mansyon ng tita niya. Nagpasukat lang saglit si Lexi atsaka na umalis ng bahay ng tita niya.

Pag-uwi niya ay nadatnan niya ang Papa niya at mabilis niya naman itong lumapit sa kanyang papa.

Reyna ng Kamalditahan (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon