Kamalditahan 017

1.5K 52 0
                                    

McDo

Habang kumakain ang apat ay bigla nalang may isang babaeng may kasamang gwapong boylet at lumapit sila kay Laring.

Pam: Oy, Laring! Ikaw ba yan?!

Napatingin si Laring sa kung sino mang nagsalita. At confirm, ito ang kanyang pinsan na plastic. Pati mukha, plastic.

Laring: Oy, Pam! Hindi. Hindi ako si Laring. Kamukha ko lang si Laring.

Sarkastikong ngumiti si Laring kay Pam at medyo natawa nalang sina Asha at Grace. Nainis na rin si Pam pero hindi niya ito ipinakita.

Pam: Ikaw talaga! Ang ganda mo na ngayon, ah!

Laring: Oo nga ea. Sana ikaw rin.

Pam: Ahhh. Kakain kayo dito?

Laring: Hindi. Iinom lang. Ayan oh. Iinumin namin yung rice atsaka yung chicken pati narin yung fries.

Tapos tinuro pa ni Laring yung inorder ni Grace. At sa pagkakataong ito, hindi na mapigilan na mapatawa nina Grace at Asha pati narin si Lexi.

Pam: Ahhh. Alis na ako. Nahahaggard beauty ko sa inyo. Hinihintay na ako ng boyfriend ko.

Laring: Wow! May beauty ka pala?

Napaharap ulit si Pam sa apat na magkakaibigan at halatang naiinis na.

Pam: Laring! Nakakainis ka na! Ang yabang-yabang mo! Feeling maganda ka pa!

Laring: Atleast may maipagmamayabang. Ea ikaw ba meron? Atsaka feel ko talaga na maganda ako, kasi totoo naman. Ea ikaw? Maganda ka?

Pam: Iih! Nakakainis!

Walk-out ang feelingera at nagtawanan na yung apat.

Laring: Kain na!

Lexi: Ang galing mo talaga, Laring! Hahaha.

Laring: Aba! Tumawa ka! Bago yan, ah?! Hayaan mo. Magagawa mo rin yan pagdating ng panahon.

Kinindatan ni Laring si Lexi at kumain na sila.

Reyna ng Kamalditahan (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon