Kamalditahan 032

1.3K 44 0
                                    

Let's Start

Teacher: Good afternoon. Go back to your proper seats and listen to my announcement.

Nagsiupo naman sa kani-kanilang mga lugar ang lahat ng mga estudyante sa loob ng classroom at nakinig na sa sasabihin ng kanilang class adviser.

Teacher: I would like to announce na here in our university magaganap ang basketball league this school year. At magri-ready ang mga staffs dito sa university para paghandaan ang malaking program na yun dahil regional na ito. So ang plano ng principal ay magkaroon ang mga estudyante ng oras para magpahinga at mag-aral para sa nalalapit na first periodical exam natin. So as a result, all students in this university ay magkakaroon ng isang week para magpahinga. In short, wala kayong pasok next week. Isang linggo kayong walang pasok. That's all for today. Class dismiss.

Nagsaya naman ang lahat ng mga estudyante pero nakabusangot lang si Laring.

Laring: Andami pang sinabi yun lang pala. Bakit di nalang sabihing tamad rin magturo mga guro dito. Psh.

Lumabas nalang si Laring sa classroom dahil rinding-rindi na siya sa sigawan ng kanyang mga kaklase.

Pagliko niya papunta sa banyo ay nakita niya agad si Lexi kasama ang tatlong mga ipokrita na nang-api sa kanya dati.

Laring: Haist. Kahit kailan talaga hindi titigil ang tatlong 'to! Bwiset!

Pumunta nalang si Laring sa kung saan inaapi na naman ang kanyang kaibigan at may poise na hinarap ang tatlong echosera na mas kilala sa university bilang Tres Malditas.

Echosera 1: Bakit ba ang hilig mong mangielam?!

Laring: Pake mo ba sa pakikielam ko?!

Echosera 2: Lumayas ka na kung ayaw mong masaktan.

Laring: Pake ko sa sinasabi mo?

Sasabunutan na sana ng isa pang kasama nila si Laring pero mabilis naman na nakuha ni Laring ang braso nito at pinalupot kaya napa-aray nalang yung babae. Ilang segundo lang ay sumugod na ang isa pang echosera pero binalibag lang ni Laring ang hawak niyang babae kaya napaupo nalang silang dalawa sa lupa. Sumunod ay ang isa pang babae na papalapit na kay Laring pero mabilis na niya itong sinampal kaya napaupo nalang ito sa lupa.

Laring: Anong sabi ko pag inapi niyo pa ang kaibigan ko? Diba sabi ko, malilintikan kayo?! Kulang pa yan, mga panget kayo! Nadumihan pa kamay ko, leche! Tara na nga, Lexi!

Hinila na ni Laring si Lexi atsaka naiwan ang tatlong echosera na nakaupo parin sa sahig ramdam ang sakit at manhid na ginawa ni Laring sa kanila.

Laring: Ano ba, Lexi?! Bakit di ka lumalaban?! Kung hindi ako dumating, malamang baldado ka na!

Napaiyak nalang si Lexi at napayuko. Nakita naman yun ni Laring kaya hinawakan niya ang baba nito at tinaas kaya napaharap na si Lexi kay Laring.

Lexi: Wala akong kalaban-laban. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Umiyak nalang si Lexi at napabuntong hininga naman si Laring.

Laring: Tell me. Gusto mo bang matuto? Gusto mong magbago?

Tumango lang si Lexi at seryosong tumingin kay Laring.

Lexi: Oo. Gustong-gusto ko. Gusto kong maging kagaya mo. Yung walang inuuruangan, walang inaatrasan at may laban. Ayaw ko na. Ayaw ko nang maging ganito. Na umaasa nalang lagi sa iba. Na laging umiiyak at lagi nalang pinagdidiskitahan. Gusto kong magbago. Pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam.

Napaiyak nalang si Lexi at tinignan lang siya ni Laring ng napakaseryoso. Ilang minuto lang ay napabuntong hininga nalang si Laring atsaka nagsalita.

Laring: Ok. Let's start tomorrow. Since Friday ngayon at wala nang pasok next week. Let's take that time to teach you. Are we clear?

Tumango lang si Lexi at tinugunan naman ito ni Laring gamit ang kanyang nakakapangilabot na ngiti. Or should I say, ngisi.

Reyna ng Kamalditahan (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon