Kamalditahan 030

1.4K 46 1
                                    

Asha's Side

Grace: Asha, bakit pala puro lalaki mga kaibigan mo?

Napabuntong hininga lang si Asha. Nandito sila ngayon sa labas ng room nila dito sa corridor. Naglalakad na papunta sa parking lot para kunin sari-sarili nilang sasakyan.

Asha: Kasi. Malandi ako? Haha.

Sarkastikong natawa si Asha sa sinabi niya pero bigla namang nagseryoso ng mukha si Laring at Lexi pati narin si Grace.

Asha: What?

Laring: Behind a bitch and flirt like you. There is a hidden story. I know that. I've been there.

Napabuntong hininga nalang si Asha.

Asha: Don't mind me. I'm okay.

Napahinto si Laring at hinarap si Asha.

Laring: Ano mo ba kami para sayo, Asha? Hindi mo ba kami mapagkakatiwalaan?

Asha: No. It's just that I don't want to rethink and remember all of those shits. Gusto ko nang kalimutan ang lahat ng yun.

Napahilamos nalang ng mukha si Asha gamit ang dalawang kamay niya at nawala narin ang kunot ng noo ni Laring.

Laring: Ok then. Kung yan ang pinapaniwala mo. Bahala ka sa buhay mo.

Asha: Agggh! Come. Come at my house. And I'll tell you everything. Ang lakas mangonsensya ng babaeng 'to!

Lexi: Sa bahay mo pa?

Asha: Kakabored sa bahay ea. Please? Wala si mama. Haist.

Laring: Let's go. Pakainin mo kami dun.

Tumango lang si Asha at napangiti at pumunta na sila sa sari-sarili nilang sasakyan atsaka pumunta sa bahay nina Asha.

Laring: So ano? Anyare sa past mo?

Napabuntong hininga na naman si Asha dito sa loob ng kwarto ni Asha habang nakaupo silang apat sa kama niya.

Asha: Mabait pa ako noon. May mga kaibigan ako. Tatlo rin sila kagaya ng squad natin. Yung isa pinerahan ako, yung isa nandyan lang pagkailangan ako at yung isa, inagaw boyfriend ko. Napatawad ko sila nung una, nagopen-up ako sa kanila kung anong nararamdaman ko at nagpasorry silang tatlo kaya nagka-ayos kami. Pinatawad ko rin ang boyfriend ko nun kasi mahal ko siya at nangako naman siyang hindi na niya lalandiin ang kaibigan ko dahil ako daw ang mahal niya. Then one day, iniwan nila akong mag-isa dahil naissue ako sa kasalanang di ko nagawa. At yung boyfriend ko, ayun. Tinangay na ng malanding best friend ko.

Napayuko nalang bigla si Asha atsaka tuluyan ng tumulo ang luha niya.

Asha: Kaya ngayon ganito ako. Malandi, bitch, feelingera at kinaiinisan ng lahat.

Natawa nalang si Asha para lang di siya ulit lumuha.

Asha: Pero don't me! Malinis pa ako.

Natawa nalang sila Laring sa sinabi ni Asha.

Laring: Don't worry. Tutulungan ka naming magmove on. Ano nang nasabi ko sayong masama, ngayon pala may tinatago ka ring sakit at hapdi sa kabila ng pagiging feelingera mo. Sorry Asha. At wag kang mag-aalala. Totoo ako. Ewan ko dito sa dalawa.

Natawa nalang si Asha at Laring. At napatingin sila kay Lexi.

Lexi: Hey! Mabait ako, ah! Ngayon nga lang ako nagka-kaibigan. Di ko pa ba papahalagahan?

Tumango lang sina Laring at Asha pagkatapos ay ay sabay-sabay silang tumingin kay Grace. Na umiiyak. Oo. Umiiyak siya.

Grace: Wahhh! Asha, I feel you! Dati pang elementary ako naghahanap na ako ng totoong kaibigan pero wala rin. Iniiwan rin nila ako sa ending. Kaya masyado akong atat na maging kaibigan si Laring nun kasi wala na akong pag-asang magkaroon pa ng kaibigan sa nga kaklase ko. Huhu.

Natawa nalang silang apat at nagyakapan.

Reyna ng Kamalditahan (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon