Kamalditahan 029

1.2K 48 1
                                    

Asha's Boy friends

Asha: Hey guys! Meet them. My boy friends.

Napanganga nalang si Grace at Lexi sa sinabi ni Asha. Nandito sila ngayon corridor ng room nila habang vacant.

Asha: Oops! Mind the little space between boy and friends. Kaibigan ko lang sila.

Grace: Ea anong tawag noon sa inyo ni Xavier nung hinalikan mo siya?!

Bumulong lang si Grace kay Asha pero halatang narinig naman ito ni Laring.

Asha: That is called flirting. Don't worry. Hindi ko siya aagawin sayo.

Kinindatan lang ni Asha si Grace at bigla namang kuminang ang mga mata ni Grace.

Laring: Oh. Tapos na kayong magbulungan?

Tumango lang si Asha at Grace. Pinalapit na ni Asha ang tatlo niyang gwapong kaibigan.

Asha: This is Xavier Mendoza. This is Kenneth Bautista and this is Red Sevilla. They are my boy friends.

Lumapit naman bigla si Grace kay Xavier at inabot ang kanyang kamay.

Grace: Hi Xavier! Grace nga pala. Alpha Grace Maniago.

Tinugunan naman ni Xavier ang kamay ni Grace at nagshakehands sila. Ang laki ng ngiti ni Grace kay Xavier habang awkward na nakangiti si Xavier.

Laring: Hey. Nice meeting you. Grace, hindi taglandi ngayon kaya tumigil ka na.

Bigla namang tinanggal ni Laring ang kamay ni Grace mula kay Xavier. Sarkastikong nginitian ni Laring ang tatlo at nakipagshakehands pagkatapos ay hinarap ni Laring si Asha.

Laring: Tapos na pagpapakilala, Asha. So anong gusto mong gawin namin ngayon?

Asha: Wala naman. Gusto ko lang makilala niyo sila. So boys, mamaya nalang sa club ah! Bye!

Nagpaalam na si Asha sa tatlo at lumapit naman si Kenneth kay Laring.

Kenneth: Hi, Larissa. Pwede bang manligaw?

Kinindatan pa ni Kenneth si Laring atsaka humarap si Laring sa lalaki.

Laring: Oo naman. Pwedeng-pwede. Pero huwag sakin.

Mabilis na tumalikod si Laring sa lalaki at pumasok na sa kwarto. Sumunod naman ang tatlo kay Laring dahil magsisimula narin ang klase.

Red: Busted agad, pre! Haha.

Kenneth: Ulol mo! Mapapasaakin rin siya.

Tumawa lang si Kenneth at binatukan si Red.

Reyna ng Kamalditahan (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon