Kamalditahan 028

1.3K 46 7
                                    

All About Ganda

Grace: Hoy, Laring! Galing mo talaga! Hahaha. Biruin mo, napatumba niya yung kapatid ng queen bee!

Asha: Ikaw talaga, Laring! Baka resbakan ka ng mga alipores nun ah!

Nandito ngayon ang apat sa canteen. Sabay-sabay silang nagla-lunch at nagki-kwentuhan na rin. Napangisi lang si Laring sa mga sinasabi ng mga kaibigan niya.

Laring: Kain na.

Nagsimula nang kumain ang apat habang nagpapaganda pa si Asha.

Asha: Ano ba yan, ang ganda ko!

Napatingin nalang si Laring kay Asha ng nakakunot ang noo.

Laring: Kung may maganda dito, ako iyon. Ako.

Asha: So sinasabi mo na pangit ako?

Nagkatinginan ang dalawa at natawa nalang si Laring.

Laring: Alam mo, walang pinanganak na pangit. Lebel-lebel lang yan. Kung ikaw, maganda. Ako, sobrang ganda.

Natawa nalang ang apat. At bigla namang nagsalita si Lexi.

Lexi: Alam niyo, ang tunay na kagandahan, hindi yun nakikita sa panlabas na kaanyuan. Nasa loob mo yun. Nasa puso mo. Kung gaano kabusilak ang iyong puso.

Laring: Mali ka, Lexi. Ang tunay na kagandahan ay hindi nakikita sa panlabas na kaanyuan. Nakikita yun sakin. Sakin.

Asha: Alam mo, Lexi. Sa panahon ngayon, hindi na uso inner beauty. Mararaming maganda dyan—

Laring: Teka lang, Asha. Ansabe mo? Mararaming maganda dyan? Tanong ko lang. Kailan pa ako rumami?

Natawa nalang ulit silang apat at kumain na muna. Ilang minuto lang ang lumipas ay nagsalita ulit si Grace.

Grace: Ako naman. Nanakaw yung wallet ko nung isang araw pero binalik nung snatcher kahapon. Tapos napansin ko, picture ko lang pala kinuha niya.

Nagflip hair naman si Grace at napanganga nalang si Laring at Asha. Nagtinginan sila at bumalik na naman ang tingin nila kay Grace.

Grace: Hoy! Tawa kayo! Kaytagal kong inisip ang joke na yun!

Natawa nalang ang dalawa habang kain lang ng kain si Lexi.

Asha: Buti alam mong joke lang yun. Haha.

Laring: Ang haba siguro nung picture na yun noh?

Grace: Huh?

Laring: Syempre kailangan ng mahabang space para sa baba mo. Hahahaha.

Natawa nalang bigla si Laring, Asha at Lexi. Nagpout lang si Grace at nagpatuloy nalang sa pagkain.

Asha: By the way, Laring. Bakit naisipan mo pang lumipat dito? Isang year nalang naman matatapos na tayo, ah?

Laring: Nung nag-aral pa ako sa dati kong university. Pina-drop ako ng mga teacher ko, di na kasi nakikinig mga kaklase ko sa kanila. Sakin kasi sila nakatingin.

Asha: Ano ba yan?! Sa sobrang yabang mo gusto na kitang patayin.

Laring: Ako nga gusto ko nang patayin ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Kaso naalala ko, kasalanan nga palang magpakamatay.

Grace: Ano ba yan, Laring! Bakit di ako makarelate! Bakit kasi pinanganak pa akong pangit! Huhu.

Nagpout lang si Grace at natawa nalang ang tatlo.

Laring: Alam mo, Grace. Pangit ka man sa paningin ng iba. Pero sa tingin ko, mukhang tama sila.

Asha: Atsaka Grace. Wag mong isipin na pangit ka. Kami nang bahalang mag-isip nun.

Lexi: Uy! Inaano niyo siya! Natatamaan ako, ah!

Natawa nalang silang apat at nagpatuloy na sa pag-kain. Bigla namang nagbell na hudyat na tapos na ang lunchtime kaya sabay-sabay na silang pumasok dahil magka-kaklase naman silang apat.

Reyna ng Kamalditahan (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon