Kamalditahan 034

1.4K 38 3
                                    

Way to go, Lexi!

Laring: Let's start with your physical appearance, Lexi.

Umupo na si Laring sa harapan ni Lexi atsaka niya ito tinignan ng napakaseryoso.

Laring: Ang pagiging isang maldita, wala yan sa mukha. Panget ka man o maganda, it doesn't matter basta simple at maayos ka. Pero in your case, Lexi. Maganda ka na so advantage na yun para sayo. But the clothes you're wearing right now isn't that good plus your glasses and messy hair are the reasons why people can't see your true gorgeous, beautiful face. Ang isang manang magsuot na may napakakapal na salamin at halatang di nagsusuklay kagaya mo ay hindi pwedeng maging maldita. Dahil sa itsura mo palang, malalait ka na ng kaaway mo. Kailangan mong mag-ayos. So gora! Tara sa room ko.

Sumunod lang sila kay Laring at pagbaba nila gamit ang elevator papunta sa third floor ay pumasok sila sa isang kwarto. Ang kwarto ni Laring. Hindi na rin naman nabigla ang tatlo dahil ganyan rin naman sa mansyon nila.

Laring: Magsimula ngayon, ganyan na ang isinusuot mo. Wag kang magsusuot ng mahahabang damit. Sakto lang. Wag naman yung masyadong maiksi. Remember, hindi ka pokpok. Ok?

Tumango-tango lang si Lexi habang tinitignan ang mga sandamakmak na damit ni Laring.

Laring: And now, let's work with your face. Wag ka nang magsasalamin. Contact lense is better than this. Hindi naman siguro masama iyon? Pero kung gusto mong salamin nalang, wag yung ganito kakapal. Wag—

Lexi: Hindi hindi. Magco-contact lense nalang ako.

Napangiti lang si Laring sa sinabi ni Lexi at umupo ang apat sa kama ni Laring.

Laring: Good. Now listen. Ang mga maldita. Kailangan laging maayos sa sarili niya. Hindi ko sinabing magmake-up ka. I mean kung haggard ka na. Magpulbos ka. At syempre check your hair often baka hindi mo alam ang ayos nga ng mukha mo, mukha ka namang kinuryente sa Meralco dahil sa buhok mo. Kasi malay mo, lait-laitin ng kaaway mo, oh diba? Walk out ka kaagad?

Tumango tango lang si Lexi habang seryosong nakatitig at nakangiti kay Laring. Napangisi nalang si Laring sa ipinapakita ng dalaga dahil kita namang gusto talaga niyang baguhin ang sarili niya.

Laring: That's all for today. Tomorrow. I want you to apply all the things that I've said earlier. Magsuot ka ng simpleng damit, hindi pangmanang at hindi rin pangpokpok. Ok? Don't use your glasses anymore and try black contact lenses. And then I want your face to be just like mine. Simple, walang make-up at of course. Maganda.

Tumango tango lang ulit si Lexi at ngumiti.

Laring: I'll start teaching you all the tips on how to be a gorgeous maldita kung success ang pagiging tao mo bukas. Ok?

Asha: Grabe ka! Ano ba sa tingin mo sa kanya ngayon?

Laring: Pake mo ba?!

Nagsimangot nalang sila at pagkatapos nun ay kumain na sila ng lunch. Umuwi na ang tatlo pero pumunta muna si Lexi sa mall para mamili narin ng sangkaterbang damit at mga gamit na inirekomenda sa kanya ni Laring.

Pag-uwi niya rin sa bahay ay mabilis siyang pumasok sa kwarto niya at kinuha lahat ng manang at mahahabang damit niya at itinapon ito.

Napangiti nalang siya at inayos na sa kanyang cabinet ang mga damit na ipinamili niya.

Reyna ng Kamalditahan (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon