Kamalditahan 045

1.1K 30 0
                                    

Second Encounter

Laring: Two weeks. It's been two weeks nang magsimulang magkaganyan yan. Tangina, parang di ko na siya kilala sa ginagawa niya!

Asha: Calm down, Laring. I'm sure that she has her own reasons.

Laring: And what's that fucking reason?! Kaibigan niya tayo! Pwede niya namang sabihin yun! Hindi niya ba tayo pinagkakatiwalaan?!

Lexi: I think. May nag-impluwensya sa kanya. May nagtulak sa kanya para magkaganyan siya.

Nakatitig lang sila kay Grace. Sa kakaibang Grace. Lahat sa kanya nagbago. Mentally, socially and physically.

Nagka-cutting classes, nagsisigarilyo, gumagawa ng iba't-ibang kahihiyan sa sarili niya. At pati narin sa pagsama sa kung sino-sinong lalaki dyan.

Laring: I have to go. Bantayan niyo yan. Make sure na walang makalapit sa kanya. Wag niyong papabayang may lalaking lumapit sa kanya. Baka mabukulan yan sa tyan! Pupunta lang ako sa mall. May pinapabili si mama Leynah. Gotta go.

Tumango lang sila at pumasok na si Laring sa bago niyang sasakyan dito sa parking lot at naiwan naman si Lexi at Asha na nagbabantay kay Grace na busy sa pagyoyosi dito sa parking lot ng university.

Pinaharurot na ni Laring ang kotse niya papunta sa pinakamalapit na mall mula dito sa university.

Halos sa loob ng dalawang linggong hindi pagpapansinan ng tatlo at si Grace ay yan nalang ang araw-araw nilang ginagawa. Ang bantayan si Grace. Kausapin man ng tatlo si Grace ay lumalayo lang ito kaya napagpasyahan na lang nila munang bantayan at ilayo ito sa kapahamakan habang nag-iimbestiga pa sila sa kung anong nangyayari sa kanya.

Cashier: 4,969 pesos po, Ma'am.

Binigay lang ni Laring ang pera niya at kinuha ang pinamili pati na din ang sukli. Pumunta na siya sa parking lot atsaka inilagay ang mga pinamili sa back seat pero napatigil nalang siya sa pagsasalita ng kung sinoman malapit sa kanya.

Echosera: Hey, bitch!

Napatingin nalang siya sa babaeng nagsalita at confirm. Yun nga ang babaeng nakaaway niya dalawang linggo na ang nakakaraan. At hindi niya ito makakalimutan dahil sa nakakaakit na kulay ng buhok niya. Kulay rosas na buhok ng babae.

Laring: Bitch? Huh!

Sarkastikong natawa si Laring na ikinainis na naman ng echoserang babae.

Echosera: Yes. You are a bitch!

Laring: Well, bitch is a dog. Dog barks. Bark is part of a tree. Tree is a part of nature. And nature is beautiful. So yeah, thanks for the compliment.

Mas ikinakunot ng noo ng echosera ang pagngiti sa kanya ni Laring at nagsalita na naman ito.

Echosera: Hindi mo ata kilala kung sino kinakalaban mo?

Laring: Wala akong pake kung sino ka man.

Papasok na sana si Laring sa kanyang bagong kotse pero napahinto siya sa sinabi ng echosera.

Echosera: How's Alpha? Are you suffering because of her? Simula pa lang yan sa pagpapahirap namin sa kanya. That is just the start of my very sweet revenge, bitch.

Napalapit nalang si Laring sa kanya habang nakasara na ang kanyang kamao.

Laring: Lumaban ka nga ng patas! Ako ang harapin mo at wag mong idamay ang kaibigan ko!

Echosera: Oh sorry. I didn't mean to hurt and make Alpha's life a living hell for the second time around. But—

Bigla nalang sinampal ni Laring ang echosera dahil galit na galit na talaga siya.

Laring: Oh sorry. I didn't mean to slap you.

Bigla namang nainis at nagalit ang echosera kaya inilabas niya ang kung ano sa bulsa niya. Isang baril.

Napaurong nalang si Laring at halata namang kinakabahan siya.
Echosera: I'm not just an ordinary girl, bitch. Hindi mo gugustuhing makalaban ako, at dahil sa ginawa mong yan. Mas papahirapan ko pa ang kaibigan mo. I will make Alpha's life a living hell. And no one can stop me from doing this.

Laring: Fight me! Ako ang pahirapan at kalabanan mo! You're so weak, stupid!

Mas lalo pang itinutok ng babae ng baril kay Laring kaya napaurong nalang ito. Napangisi nalang ang babae atsaka ulit nagsalita.

Echosera: Well. I know that hurting you physically is just a piece of nonsense shit and that's just nothing for you. So I have to attack those who you loved the most. At sakto namang ikaw pala ang bago ni Alpha. Hah! Pinagpalit niya ang Pink Gang sa mga ambisyosang katulad niyo?!

Laring: Pink Gang?

Natawa nalang ng sarkastiko ang babae na ikinakunot ng noo ni Laring.

Echosera: You didn't know us? What a stupid bitch you are. Kaya pala ang lakas ng loob mong kalabanin ako. Tsk.

May lumapit namang isa pang echosera sa babae na may kulay rosas ring buhok atsaka tinawag itong babaeng echosera habang nakatutok parin ang baril kay Laring.

Echosera 2: Boss, let's go. Axe Gang is waiting. May roit tayo. Pinapapunta na kayo ni master sa camp.

Tumango nalang ang echosera atsaka ibinaba na ang baril.

Echosera: Watch out, bitch. Gotta go. Hindi pa tayo tapos.

Tuluyan nang naglakad papalayo at pinaharurot ang kanilang sasakyan na kulay rosas rin.

Larissa: Aish.

Pumasok na sa loob ng kotse niya si Laring atsaka na umalis sa parking lot na yun.

Reyna ng Kamalditahan (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon