Kamalditahan 048

1.9K 42 10
                                    

Their Past

Grace: One bottle of Vodka. Hard, please.

Bartender: Ma'am, okay lang po ba kayo? Bakit puro pasa at sugat ang-

Grace: Damn! Please shut up! Wala kang pake!

Binigay nalang ng bartender ang hinihingi ni Grace at mabilis niya naman itong ininom sa mismong bote at hindi na nag-abala pang ilagay ito sa baso.

Naiyak nalang ulit siya sa sakit ng katawan na nakuha ni Grace mula sa kanila. Sa Pink Gang. Kay Phyre. Puro pasa, sugat at sakit ng pisngi ang nakuha niya sa kanila dahil hindi niya naibigay kay Phyre ang gusto niya kaya muntikan ng natalo sa riot ang gang.

Mas naiyak pa siya ng mahina hindi dahil sa mga sugat na dinadaing niya kung hindi kay Phyre.

'Nagbago ka na, Phyre. Hindi na ikaw ang kilala ko, beshie.'

Mas lalo siyang napahagugol sa naisip niya.

Grace: Fuck! Bakit ko pa ba naalala ang mga bagay na yun?! Ano bang silbi ng alak na ito?! Bakit imbis na makalimutan ko ang lahat ng sakit ay mas lalo ko lang naaalala ang nakaraan?!

Bartender: Ma'am, please calm do-

Grace: At sa lahat ng ginagawa mo, bakit hindi ko pa rin magawang kamuhian ka?! Bakit may parte ka pa rin dito sa puso ko, Phyre?

Bumulong lang si Grace pero halo-halong emosyon ang naramdaman niya. Mas lalo lang siyang humagulgol.

Grace: Phyre Jade Lee. Beshie. I miss you. I miss 'us'.

[Flashback]

Patricia: Give us money! O kaya ilibre mo nalang kami!

Shayne: Tama! Ilibre mo kami!

Khaye: That's right, Grace!

Napakunot nalang ng noo si Grace at napakamot sa ulo.

Grace: Ea kakalibre ko lang sa inyo kanina, ah. Naubos na nga pera ko sa inyo. Inaabuso niyo na ako ea. Pineperahan niyo lang ako.

Patricia: Pineperahan?! Akala ko ba kaibigan kita! Piste! Edi wag! Friendship over!

Grace: Sumosobra na kayo ea! Sige! Kayo rin ang kawalan!

Tinalikuran ni Grace ang tatlo. At ang akala nito ay pipigilan nila si Grace sa pag-alis, pero mali ito. Natawa lang ang tatlo g babae na itinuring niyang mga kaibigan.

Shayne: Let's go, girls! Wala tayong mapapala sa impaktitang kababang yan!

Ramdam ni Grace na lumakad na ang tatlong kaibigan niya papalayo at sa puntong yun ay sumikip ang dibdib niya. Ang emosyon na lagi nalang niyang nararamdaman sa pare-parehong sitwasyon na nangyayari lagi sa buhay niya.

Grace: Grace, wag kang umiyak! Be mature! High school ka na!

Nagsalita pa ang dalaga na parang pinapaalalahanan ang sarili. Napatakbo nalang siya sa kung saan at pinipigilan ang namumuong luha sa mga mata ni Grace. At sa di inaasahan ay natapilok pa ang dalaga.

Maraming tao ang napatingin sa kanya, ang iba, tumatawa at ang iba ay halatang pinagbubulungan na siya. Pero pinabayaan niya lang iyon at nagsimulang magsink-in sa utak niya ang mga nangyari.

She suddenly realized. Nawalan na naman siya ng kaibigan. Naloko na naman siya.

Ilang minuto siyang hindi makagalaw at umiiyak habang nakadapa sa maruming sahig at napansin niyang may nag-abot ng kamay kay Grace.

Reyna ng Kamalditahan (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon