Kamalditahan 038

1.3K 35 0
                                    

Aja, Lexi!

Laring: Now. We're done with your expressions on your face. Kung paano mo i-manage ang katawan mo at kung paano mag-ayos sa sarili mo. Let's talk about on how to fight and face your enemies. Let's move on how to win over your enemies.

Tumango-tango lang si Lexi atsaka mariing nakinig kay Laring. Nandito sila ngayon sa bahay nina Laring sa sala ang apat. Kumakain ang dalawa habang nag-uusap naman sina Laring at Lexi.

Laring: So, let's sum up. First, your face. Always fresh at wag pa-haggard. Your poise, always chin up, eyebrows up if your maldita radar is on and ofcourse, walk like a lady plus the killer smile I want you to have. Your eyes, don't show any sign of pity. A cold stare and boredom in your eyes can do. Wag na wag mong papakita na mahina ka pa. Dapat nagbago ka na talaga dahil wala na ang nerd na Lexi sa mundo. Your voice. Wag mahinhin! Nuko, Lexi! Wag mahinhin! Wag ka nang mag-hehe or what! Ok?! Hindi maldilta yun!

Lexi: Ok! I get it na!

Napangiti nalang si Laring at uminom muna ng juice na kinuha niya sa table malapit sa kama niya atsaka ulit nagsalita.

Laring: Kapag haharap ka na sa kaaway mo, Lexi. Or sa mga gustong mang-away sayo o sa mga nang-api sayo dati like those Tres Pangets.

Napatawa nalang si Lexi na ikinakunot ng noo ni Laring.

Lexi: It's Tres Malditas. Not Tres Pangets.

Laring: Well, I don't care. Tsk. Basta! Ito na talaga! Unang-una ang confidence sa sarili, Lexi. Wag kakabahan. Wag uutal-utal. Ok? 

Tumango lang si Lexi kay Laring at nagpatuloy ang pagdi-discuss.

Laring: Here's the tips on how to handle yourself in case na kinakabahan ka. Basta wag mong ipakita na kinakabahan ka. Pero don't worry, sa una ka lang naman makakaramdam ng kaba pero kapag nasanay ka na, ineenjoy mo nalang ang pangbi-bwiset sa kaaway mo. So here. Bago ka magsalita, pabayaan mo muna siya. Atsaka mo sabihing "Oh? Tapos ka na ba?" atsaka mo taasan ng kilay. At habang nagsasalita siya, lait-laitin mo na siya sa utak mo. Tapos ayun! Pagtapos na siya, saka mo siya laitin. Ilabas mo lahat ng gusto mong sabihin. Pero take note. Wag magmi-memorize kasi mas lalo kang kakabahan at ma-u-utal Basta pabayaan mong ilabas ang gusto mong sabihin sa kanya and I'm sure walk out agad yan.

Laring: But know your limitations, Lexi. Wag mong pabayaang makontrol ka ng galit mo sa kung sino man ang kaaaway mo. Take control of your emotions before emotions take control of you. Hindi pwedeng lait ka ng lait. Baka yung nilalait mo sa kanya, ea mas grabe pa pala yung lagay mo. Being a maldita. Honesty ang unang kailangan, Lexi. Being true to yourself and apply it to others. Ang mga maldita, hindi nanglalait yan. Nagsasabi lang ng tunay niyang nakikita. Wag kang gagawa ng mga salita na hindi naman totoo tungkol sa kaaway mo. Basta yung nakikita mong depekto at mali sa kanya, yun ang ilabas ng bibig mo. Baka yung sinasabi mo sa kanya, ea sa sarili mo lang pala natatamaan ka rin. Kung maganda siya at mas talbog talaga siya sayo. Edi gora! Sabihan mo nalang ng pwede mong ilait sa kanya like "Maganda ka nga. Pero tanong ko lang. May utak ka ba?" Like that. Gets.

Tumango lang si Lexi atsaka nagpatuloy sa pagsasalita si Laring at nakikinig rin naman talaga ng maigi si Asha at Grace.

Laring: At remember, hindi ka dapat nagpapaba nalang sa kaaway mo. Ang mga maldita kasi, hindi nauubusan ng sasabihin. At kung sa tingin mo ay wala na talagang pag-asa na manalo ka ay wag na wag mong ipapakita ang pagkainis at pagkagalit sa mukha mo. Just show you killer smile and eyebrows up atsaka ka magpamewang. Kung gusto mo nang itigil. Magsabi ka ng masasakit na salita like "Just please stop all your shits. Nakakadagdag ka lang sa polusyon! I don't need your pathetic excuse for being so insecure at me." atsaka ka magwalk-out. Kahit na natalo ka niya sa mga lines niya na hindi mo man siya nabara. Ikaw parin ang panalo dahil I'm sure maiinis sayo yun.

Laring: And here's what you have to remember, Lexi. Wag kang laging magmumura. Just cuss kung kailangan na talaga. And don't use tagalog cuss like "Tangina mo!" Jusmeyo! You are so cheap kung gagawin mo yun! Hindi maldita yun! Ok?! Undestood?

Lexi: Yes, I understand.

Laring: Then isa pa. Wag na wag mong ilalapat ang kamay sa kanila. Wag kang gagamit ng pwersa. As much as possible, sa mga salita at lait mo sila, painisin. Wag nating sasaktan ang ating mga kaaway. Tao din sila, hindi nga lang halata. Ok?

Natawa nalang si Lexi, Asha at Grace at tumingin lang sa malayo si Laring na para bang nag-iisip.

Laring: Uuhhmm. Ano pa ba sasabihin ko?

Kumagat lang ng cookie na nakuha ni Laring sa table at nag-isip. Si Lexi naman ay mariin lang na nakatingin kay Laring.

Laring: Oh yes! Here is the most important, Lexi! Your feelings.

Reyna ng Kamalditahan (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon