Kamalditahan 009

1.9K 77 0
                                    

Lexi

Grace: Ang galing galing mo talaga! Turuan mo nga ako ng mga damoves mo! Pero Laring, wait lang! Masakit ata ngipin ko.

Laring: Pakihanap nalang sa hangin ang pake ko. Hindi ka ba makakalakad kung masakit ang ngipin mo?!

Grace: Oo na! Eto naman! Gora! Tara na.

Papunta sila ngayon sa labroratory room dahil yun ang next subject nila ng walang ano ano ay may isang babaeng natamaan si Laring.

Lexi: Aray!

Natamaan ni Laring ang isang babae at natapon naman ang mga gamit nito.

Laring: Sorry.

Ngumiti lang ang babae at tinulungan si Laring sa pagpulot ng mga gamit nito.

Lexi: Thank you po.

Laring: By the way, I'm Larissa.

Lexi: Lexi po. Sorry po. Kailangan ko nang umalis.

Mabilis na umalis ang babae na ang pangalan ay Lexi pagkatapos binigay ni Laring ang mga gamit nito.

Grace: Napano yun? Agad umalis!

Laring: Ano bang pakielam mo?! Buhay niya yun! Tara na nga!

Agad namang sumunod at tumakbo si Grace papunta kay Laring.

Laring: Oy, bilisan mo nga!

Natapos rin ang kanilang lab subject kaya papunta na sila ngayon sa kanilang classroom.

Grace: Laring! Tignan mo ang labi ko! Mala-Yayadub sa pula. Tignan mo! Bagay ko diba?! Diba?!

Panguso nguso pang sabi ni Grace. Saksakan ng pula ang labi niya dahil uso daw ngayon yun.

Laring: Itigil mo nga yan! Nakikiuso, di naman bagay! Yung totoo?! Pati labi nireregla?! Tsk.

Grace: Grabe ka naman! Ang sakit mong magsalita. Ayan tuloy pinagtitinginan na tayo!

Tinarayan lang siya ni Laring at patuloy na lumakad hanggang sa may marinig silang kakaiba dito sila sa likod na parte ng paaralan.

"Tama na po. Pakawalan niyo na ako. Tulong!"

Laring: Narinig mo ba yun Grace?

Grace: Wahh! May multo! Huhuhuhu.

At tumago si Grace sa likod ni Laring.

Laring: Gaga! Hinde! Tara! Punta tayo dun. Nandun yung sumisigaw!

Grace: Wahhhh! Hinde! Natatakot na ako! Huhuhuhu

Patuloy na naglakad ang dalawa papunta dun sa sumisigaw at nanghihingi ng tulong hanggang sa napadpad sila sa abandonadong room.

Grace: Hala! Si Lexi yun ea! Diba?!

Reyna ng Kamalditahan (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon