Kamalditahan 033

1.2K 40 0
                                    

Operation

Laring: Oh bakit nandito kayo?

Grace: Makikinig rin kami. Bored sa bahay ea.

Asha: Me, too. Wala si mama tapos may date pa si kuya. Haist.

Laring: Ok. Lexi. Dito ka. May sasabihin ako.

Lumapit naman si Lexi kay Laring. Lumapit rin si Asha at Grace kaya napabuntong hininga nalang si Laring. Nandito nga pala sila ngayon sa rooftop sa bahay nina Laring.

Laring: Magkwento ka. Bakit naging ganyan ka? Bakit ka nila inaapi?

Umupo sila dito sa may mesa habang kumakain ng cookies na binake ng mama ni Laring. Napabuntong hininga nalang si Lexi atsaka nagsalita.

Lexi: Noong bata pa ako, si ate lang lagi ang kasama ko. Hindi si Ate Lizzy kung hindi yung isa ko pang totoong kapatid na si Ate Lirah. Laging trabaho ang inaasikaso ng mga magulang ko kaya lumaki ako sa loob lamang ng bahay kasama si Ate Lirah. Noong elementary ako, hindi naman ako sa school nag-aral kundi sa bahay. May personal teacher ako. At noong 11 years old ako at 16 years old si ate ay pinadala na siya ni Papa sa States para doon mag-aral ng college kaya ako nalang laging mag-isa. Then nung high school ako, sinabi ko sa parents ko na gusto kong dito mag-aral dahil sa pagkalungkot at laging pag-iisa ko sa bahay kaya pumayag naman sila. Pero hindi ko alam na ganito pala. Isang taon rin ako nagtiis sa pang-aapi nila pero nung 2nd year high school na ako, balak kong sabihin sa parents ko na gusto kong sa bahay nalang mag-aral pero biglaan nalang naghiwalay sina Mama at Papa kaya mas lalong naging busy si Papa sa trabaho sa puntong hindi na niya ako nadadalaw at nakakausap kaya hindi ko na nasabi sa kanya. At noong time na yun nandun na rin si Ate Lizzy lagi sa bahay, anak ni Papa sa ibang babae noon pa. So ibig sabihin wala pa ako sa mundo ay may anak na siya sa ibang babae at niloloko na niya si Mama.

Napayuko nalang si Lexi sa sobrang lungkot na gusto na niyang maiyak habang naaalala niya yun pero ipinagpatuloy niya parin ang pagsasalita.

Lexi: Nagsimula ang pang-aapi sa akin noon dahil na rin sa wala akong kaibigan. Laging ako ang pinagdidiskitahan hanggang sa nasanay na ako kaya pinapabayaan ko nalang.

Laring: That's enough. Ok na, Lexi. Tama na. Wag mo nang ituloy pa. Pero ngayon, ang tanong ko. Gusto mo bang baguhin ang sarili mo? Gusto mo na bang iwan ang nerd na Lexi at maging isang maylaban at malditang Elshyn Lexi?

Tumango lang si Lexi.

Lexi: Oo. Gustong gusto ko Larissa. Ayaw ko nang inaapi pa. Ayaw ko na.

Nginitian lang ni Laring si Lexi at niyakap niya ito.

Laring: Naging ganyan rin ako dati, Lexi. Dati. Isa akong walang kwentang tao sa paningin ng iba. Laging sinasaktan at inaapi. Pero nagbago ako. Napabago niya ako at ngayon ay ito na ako, isang maldita na kinatatakutan at hindi na inaapi pa. Wag kang mag-alala. Tutulungan kita, Lexi.

Naggroup hug lang silang apat atsaka ilang minuto lang ay kumawala na sila sa yakap at nagpamewang si Laring.

Laring: Ok. Let's start. Operation: Help and change this nerd, Lexi to become a gorgeous maldita like me.

Napangisi nalang si Laring at napangiti lang si Lexi.

Reyna ng Kamalditahan (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon