KABANATA III

1.1K 33 1
                                    

Ikatlong Kabanata.

AGAD nagdatingan ang mga pulisya pati na rin ang isang ambulansya na siyang nagdala sa katawan ni Debbie tungo sa ospital.

Buhay pa ito ayon sa mga mediko na sumuri dito.

Mabagal na ang tibok ng puso niya, at malapit na raw itong malagutan ng hininga kaya dali-dali siyang dinala sa ospital.

Kasama nito ang kanyang nobyo na walang mapaglagyan ang galit dahil sa sinapit ng kanyang nobya. Lubhang nag-aalala ito sa kalagayan ni Debbie.

Kinordona na ng mga pulis ang lugar. Pinalabas ang mga estudyante sa cafeteria at silang apat lang ang naiwan kasama ang ilang pulis na nag-iimbestiga sa crime scene.

Bakas sa mukha nila ang takot at pag-aalala para sa kanilang kaibigan.

"Sino ang gumawa nito kay Debbie? B-Bakit niya 'yon ginawa? Anong dahilan niya?" Ani Reen na medyo kumalma na sa pagkakataong iyon, gayunpaman, may mga pagkakataong natutulala ito, marahil naalala niya ang hitsura ni Debbie nang madatnan niya ito sa banyo.

Walang sumagot sa katanungan niya. Ang totoo, 'yon din ang tanong sa kanilang isipan.

Sino ang taong maaaring gumawa nito sa kanilang kaibigan at bakit niya iyon ginawa?

Mayamaya'y isang pulis ang lumapit sa kanila. Marahil iyon ang detective.

"Sino sa inyo ang unang nakakita sa katawan ng biktima?" Tanong nito sa kanila.

"A-Ako po." Tugon naman ni Reen.

Humarap sa kanya ang may katandaan ng detective.

"Nung sandaling makita mo siya, wala ka bang naabutang ibang tao sa loob ng banyo?"

"W-Wala po."

"Sino sa tingin niyo ang pwedeng gumawa nito sa kanya?"

Sabay-sabay silang napailing.

"Pero kilala namin si Debbie." Napatingin sila kay Grace dahil sa biglaang pagsasalita nito. "She has a bad attitude. Maraming tao ang galit sa kanya dahil sa ugali niya kaya hindi imposibleng may pumatay sa kanya." Aniya pa.

Sang-ayon sina Reen, Drea, at Alena sa sinabi niyang iyon.

Sumulat ang detective sa maliit na notebook na hawak niya at nagpatuloy sa pagtatanong.

"Wala ba kayong napansing tao dito kanina na kahina-hinala ang mga kinikilos?"

"W-Wala naman po." Anila.

"No. Meron!" Pakli ni Alena.

Naalala niya yung taong bumunggo kay Reen na nakatitigan niya pa kanina. Kahina-hinala ang mga kilos nito.

"Yung taong nakabunggo sa'yo kanina Reen. Naalala mo? Napaka suspicious niya."

"Ah tama! Kahina-hinala nga ang mga kilos ng taong 'yon kanina. Masyado siyang nagmamadali kaya nga nabunggo niya ako. Naka-jacket pa iyon na tumatakip sa mukha niya." Saad nito.

"Namukhaan niyo ba siya?"

Sabay-sabay silang napa-iling.

"Nahaharangan po kasi ng hood ng suot niyang jacket ang mukha niya. Nakayuko pa siya kaya hindi namin siya namukhaan." Saad ni Alena.

Tumingala ng bahagya ang detective at inilibot ang mga mata sa kabuuan ng cafeteria.

Napako ang paningin nito sa isang CCTV sa itaas ng entrance ng Cafeteria.

"Samahan niyo ako sa CCTV Room." Usal nito at lumakad na papunta sa sinabi nitong silid. Sumunod naman sila rito.

***

"Opo! Siya nga po 'yan!" Pangungumpirma ni Reen nang mapanuod niya ang record ng CCTV.

"Ang kaso nga lang, hindi natin siya makilala. Nakatago masyado ang mukha niya. Ni hindi nga natin alam kung babae ba siya o lalaki eh." Saad ni Drea.

"Mahihirapan nga tayong matukoy siya. Pero at least kahit papaano may suspek na tayo." Anang detective. "Sige, 'yon lang muna sa ngayon. Basta 'pag may nalaman kayo, o may nakita kayong anumang kahina-hinalang kilos, tumawag lang kayo sa linya namin." Saad nito at lumakad na palabas ng silid.

***

Tanging ang paulit-ulit na tunog lang ng aparato ang maririnig sa loob ng pribadong kwarto sa isang ospital.

Sa kama ay nakaratay ang walang malay na si Debbie na nagpapagaling mula sa mga natamong sugat sa mukha.

Ang nobyo nito na siyang nagbabantay dito ay lumabas sandali upang magpahangin at makapanigarilyo.

Siya na lamang mag-isa sa kwartong iyon.

Nababalutan ng benda ang buong mukha nito maliban lamang sa mga mata at ilong nito upang makahinga siya sa tulong ng oxygen.

Malubha ang natamo niyang pinsala sa mukha at marahil ay abutin siya ng ilang araw bago siya magkamalay at makalabas sa ospital na iyon.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagmulat siya ng mga mata.

Nagkamalay siyang muli.

Gayunpaman ay nanghihina pa rin ang kanyang katawan. Hindi niya maigalaw ang kahit na anong parte sa kanyang katawan at tanging mga mata niya lamang ang kanyang naigagalaw.

'Nasaan ako?'-ang tanong agad sa kanyang isipan. Hanggang sa maalala na lang niya ang nangyari sa kanya kanina.

Inilibot pa niya ang kanyang mga mata at doon niya napagtanto na nasa isang ospital siya.

Walang kahit na sino sa loob bukod sa kanya.

Nais niyang magtawag ng kung sino pero hindi niya magawa dahil sa benda sa kanyang mukha. Hindi niya maibuka ang kanyang bibig. Sinubukan niyang igalaw ang binti at braso niya pero nabigo siya. Nanghihina pa siya.

Nararamdaman niya pa ang pagkirot ng kanyang mukha. Pakiramdam niya'y binuhusan iyon ng asido.

Mayamaya'y isang nurse ang pumasok sa kanyang silid.

Natatakpan ang mukha nito ng face mask.

Lumapit ito sa kanya.

"Oh! Gising ka na pala Debbie!" Turan nito nang makita siya.

Agad nangunot ang kanyang noo. Papaano siya nakilala ng nurse na ito?

Gayunpaman, ipinagsawalang-bahala na lamang niya iyon dahil nga nurse naman ito at alam ng isang nurse ang pangalan ng kanyang pasyente.

"Lumabas muna ang boyfriend niyo para manigarilyo." Saad nito at hinawakan ang dextrose niya marahil upang ayusin ang pagkakasabit noon.

"Kumusta na ang pakiramdam mo? Himalang nabuhay ka pa matapos kong ihampas nang paulit-ulit ang mukha mo sa matigas na salamin. Tigas talaga ng mukha mo Debbie."

Agad nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito. Tinanggal ng babae ang face mask nito at doon niya nakita ang mukha ng taong nagtangkang pumatay sa kanya!

"Hindi ko akalaing gagawin ko pa ito pero kailangan mong mamatay Debbie." Gumuhit ang mala-demonyong ngiti sa labi nito.

Walang anu-ano'y bigla nitong piniga ang dextrose niya na nakakabit malapit sa kanyang pulso.

Nanlaban siya pero nanghihina pa ang kanyang katawan. Wala siyang magawa.

Nanlalabo na ang kanyang paningin. Pakiramdam niyang puputok na ang mga ugat niya sa mata. Namamanhid na ang kanyang katawan.

Hanggang sa tuluyan na itong mawalan ng malay.

Naging tuwid at matinis ang tunog ng aparato senyales na wala na siyang buhay.

Hindi pa nasiyahan ang taong gumawa noon sa kanya at tinurukan pa siya nito ng mataas na dosage ng pampapatulog sa katawan.

"Maigi nang sigurado." Ngumisi ito. "May you rest in peace Debbielyn Vasquez."

***



MAGDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon